Pagbibigay ng mahusay na serbisyo sa mga costumers, itinuro ng DOT sa mga tourism stakeholders sa Nueva Ecija

Sa pangunguna ng isa sa Certified Trainor for the Filipino Brand of Service Excellence ng Department of Tourism at ng Provincial Government of Nueva Ecija at Provincial Tourism Office, ipinaliwanag sa mga tourism stakeholders mula sa mga restaurants, hotel at farm sites sa  Nueva Ecija ang mga pamamaraan kung paano makapagbibigay o makapaghahatid ng mahusay na serbisyo sa kanilang mga costumers at kliyente sa isinagawang 2 Days Seminar Workshop ng Filipino Brand of Service noong February 27-28, 2020 sa Cystal Waves Talavera, Nueva Ecija.

Ayon kay Provincial Tourism Office Atty. Jose San Pedro, ito ay isa lamang sa pangunahing programa ng Department Of Tourism na lahat ng mga gusali sa Nueva Ecija ay hinahangad na magkaroon ng ganitong klase ng aktibidad katulad ng kasalakuyang programa ngayon ng National Government.

Pangunahing layunin ng nasabing programa ay hikayatin ang paggamit ng “Mabuhay” at “Paalam” upang maipakita ang tunay na pagiging mabuting pakikitungo ng mga Pilipino sa mga turista at mga dumarayo sa kanilang lugar.

Ito rin ay naglalayong mapaunlad ang gawain ng turismo sa pagbibigay ng kalidad ng mga serbisyo sa mga bisita at itinuro rin sa kanila ang mabuting pag-unawa sa mga kailangan ng mga costumers, kung paano masisiyahan sa mga serbisyo na kanilang ihahatid, at kung paano pasalamatan ang kanilang pagpunta o pagbisita, at higit sa lahat paano nila matutugunan ang mga reklamo o daing ng kanilang mga kliyente at costumers sakaling hindi nagustuhan ng mga ito ang natanggap na serbisyo.

Matapos ang pagbibigay ng kaalaman, ipinaliwanag naman ng bawat grupo ng mga stakeholders ang kanilang mga target market na napili at kung paano nila ito patatakbuhin upang mas maging maayos ang kanilang mga negosyo.

Isa ang  Myriad Farm owners na si Viola Fern Sebastian ng Guimba, Nueva Ecija na may produksyon ng palay, gulay at prutas na dumalo sa nasabing programa at lubos ang pasasalamat sa mga kaalamanna kaniyang natutunan na maggaamit umano sa kaniyang pakikipag komunikasyon sa kaniyang mga costumers sa Myriad Farm.

Itinuro rin ng Certified Trainor for the Filipino Brand of Service Excellence Malu Galang ang pitong Filipino Values o ang mga katangian ng mga pinoy sa magandang pagtanggap sa mga bisita mula sa ibang mga bansa na nagbabakasyon at dumarayo dito sa Pilipinas.

Ito ay ang makamaylikha, makatao, makabansa, masayahin ang mga pilipino, may bayanihan, may pag-asa at makakalikasan. Ulat ni Myrrh Guevarra

Watch – Pagbibigay ng mahusay na serbisyo sa mga costumers, itinuro ng dot sa mga tourism stakeholders sa Nueva Ecija


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *