Pagbili ng PFC ng palay bago ang araw ng pasko, itinuturing na christmas gift ng magsasaka ng Laur

Maituturing na isang christmas gift para sa mga magsasaka sa bayan ng Laur ang pagbili sa mataas ng presyo ng Provincial Food Council (PFC) sa mga inani nilang palay bago sumapit ang araw ng pasko noong December 24, 2019.

Ayon kay Epifania Lucena ng Brgy Pinagbayanan, talagang ipinagpaliban nila ang pagbebenta ng kanilang palay sa mga buyer dahil binibili lamang ito sa P7.50 kada kilo.

Samantalang sa PFC, nabenta ng P14.50 kada kilo ang inani niyang pitumpong kaban.

Masayang tinanggap ni Aling Epifania ang napagbilan ng kaniyang palay sa halagang P14.50/kl mula sa representante ng PFC.

Mas ikinatuwa pa ni Aling Epifania dahil umabot ito bago sumapit ang araw ng pasko.

Pahayag pa niya, napakalaking biyaya sa katulad niyang pamilya ng magsasaka ang ginawang programa ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Gov. Aurelio Umali dahil mayroon na siyang magagamit pangtustos sa dalawang anak na nag-aaral ng kolehiyo.

Aniya, damang dama nila ang malasakit sa kanilang hanap-buhay na halos ikawala na nila ng pagasa sa biglaang pagbagsak ng presyo ng palay nitong mga nakaraang buwan.

Bukod dito ay naging benepisyaryo rin si Aling Epifania ng libreng pagpapahiram ng traktora ng Provincial Government sa mga magsasaka. Kaya naman lubos ang mensahe ng pasasalamat niya sa Punong Lalawigan.

Si Aling Epifania ay kabilang sa napakaraming magsasakang novo ecijano na naging benepisyaryo ng PFC sa taong 2019. –Ulat ni Danira Gabriel

Watch – Pagbili ng PFC ng palay bago ang araw ng pasko, itinuturing na christmas gift ng magsasaka ng Laur

https://youtu.be/vnCOXyyas8g


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *