Pagbisita ng Poong Nazareno sa Dambana, dinagsa!

Isa si Lola Zenaida Apostol  sa mga Novo Ecijanong deboto na sumalubong kahapon sa pagdating ng imahe ng itim na Nazareno sa Dambana ng Ina ng laging Saklolo sa Cabanatuan City.

Ani Lola  Zenaida, masidhi ang kaniyang pananampalataya sa Poong Nazareno dahil marami na raw ito nagawang milagro. Kahit hindi man aniya nakikita at nahahawakan ang Panginoon sa pamamagitan ng imahe ay nararamdaman niyang kasama niya ito.

Pagkakataon naman ito ani Cristy Maitim, Miyembro ng Evangelization Committee ng Dambana,  dahil ang Panginoon na mismo ang lumalapit sa komunidad  hudyat na patuloy na kumapit at manalig sa Panginoon.

Ayon kay Rev. Fr. Armando Calleon, inspirado siya dahil pakiramdam niya ay nakatutugon ang simbahan sa lahat ng  pangangailangan ng mga mananamplataya sa Dambana.

Dagdag pa ni Fr. sa mga deboto ng Nazareno na hindi na kailangan pang lumuwas ng Maynila dahil ang imahe Poong Nazareno na mismo ang dumalaw sa lugar upang tayo ay mapagbigyan.

Kahapon ng madaling araw ibyinahe ang Poong Nazareno mula Quaipo, Maynila at inilagak sa Dambana ng Ina ng Laging Saklolo.

Magkakaroon naman ng tatlong beses na pagmimisa mula alas sais ng umaga, alas dose, at alas singko na hapon  sa apat na araw na pananatili ng Poon dito. Magsasagawa din ng prusisyon  sa Sabado bago ibalik ang imahe sa Maynila sa ganap na alas-syete  ng umaga na  magmumula sa Mabini Extension dadaan sa Del Pilar, Freedom Park, Gabaldon St. Maria Teresa Highway tapat ng WalterMart hanggang sa makabalik sa Dambana.-Ulat ni GETZ RUFO ALVARAN.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *