Pagbubukas ng session sa publiko, daan sa pagkakaroon ng transparency sa Sangguniang Panlungsod ng Cabanatuan

     Binigyang diin ni Vice Mayor “Doc Anthony” Umali sa unang session ng Sangguniang Panlungsod ng Cabanatuan ang kahalagahan ng pagbubukas ng session hall sa publiko upang magkaroon ng transparency sa mga ipatutupad na ordinansa, programa, at proyekto.

Si V. Mayor “Doc Anthony” Umali sa unang sesyon ng Sangguniang Panlungsod ng Cabanatuan. Photo courtesy of Maureen Reyes.
Si V. Mayor “Doc Anthony” Umali sa unang sesyon ng Sangguniang Panlungsod ng Cabanatuan. Photo courtesy of Maureen Reyes.

     Hinikayat ni Vice Mayor Umali ang mga miyembro ng Sanggunian na isantabi ang pulitika at unahin ang kapakanan ng mga Cabanatueño na naghalal sa kanila sa pwesto.

     Sa sampong nanalong konsehal sa Cabanatuan, dalawa lamang sa mga kapartido ni Doc Anthony ang pinalad na manalo sa eleksyon na sina Konsehal Gave Calling, at Konsehal Nero Mercado; ang iba ay mga kaalyado ni Mayor Jay Vergara na kilalang kalaban sa pulitika ng pamilya Umali.

Pinangunahan ni V. Mayor “Doc Anthony” ang kanyang panawagan para sa pagkakaisa ng kanyang kampo at ni Mayor Jay Vergara upang sa makapaglingkod ng magkasama sa mamamayang Cabanatueño. Photo courtesy of ipinagmamalaki ko, taga Cabanatuan ako.

     Hiniling din ng bise alkalde sa mga kasamahan sa konseho na sila na ang manguna para magkaroon ng kapayapaan, at pagkakaisa sa kanilang hanay, na kanya ng inumpisahan sa pagpapaabot ng pagbati at pagbibigay galang kay Mayor Jay.- ulat ni Clariza de Guzman

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *