Pagbuo ng Vision at Mission ng Tourism Master Plan ng Nueva Ecija, pinangunahan ng mga Stakeholders

Sinabi ni Provincial Tourism Officer Tina Wycoco-Paulino na magandang magsimula sa mga stakeholders na kinabibilangan ng iba’t ibang sektor ang pagbabalangkas ng Vision at Mission ng Provincial Development Master Plan ng turismo sa Lalawigan ng Nueva Ecija.

Ayon sa kanya, bottoms up approach ang kanilang gagamitin sa pagbuo nito, kung saan inilatag ng mga stakeholders ang pangunahin nilang pangangailangan na maaaring masakop ng bubuuing Vision at Mission.

Pagsasama-samahin ang mga inilatag ng bawat stakeholders at tsaka ito iaangkla sa adbokasiya ng Pamahalaang Panlalawigan, upang makabuo ng pinal na Vision at Mission.

Nakafocus sa Agri at Eco-Tourism ang bubuuing Provincial Tourism Vision at Mission kung saan kilala ang Nueva Ecija, na naglalayong makapagbigay ng trabaho sa mga mamamayan ng bawat komunidad.

Ayon kay Regional Director Ronaldo Tiotuico, plano nilang imungkahi sa Sangguniang Panlalawigan ang pagkakaroon ng posisyon sa bawat Local Tourism Offices ng mga Bayan para sa monitoring ng kanilang binubuong Tourism Development Plan.

Samantala, patuloy ang ATONE o Association of Tourism Officers of Nueva Ecija at iba’t ibang sector sa pagsasagawa ng Seminar Workshop on How to Formulate Local Tourism Development Master Plan ng Nueva Ecija, kung saan kamakailan ay muling tinalakay ang mga potensyal at kinakaharap na hamon ng turismo sa Lalawigan.-Ulat ni Shane Tolentino


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *