Pagdinig ng Sangguniang Panlungsod ng Cabanatuan sa mga panukala, busisiin

Pinayuhan ni Cabanatuan City Vice Mayor Anthony Umali ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na maging mabusisi ang mga ito sa pagdinig ng mga panukala upang maging kumpleto at detalyado ang mga impormasyon bago aprubahan ng kapulungan.

Ang mungkahi ay bunsod aniya ng hindi malinaw na committee report ng Committee on Housing, Land Utilization And Environmental Protection ukol sa pagpasa ng resolusyon na nagbibigay pahintulot na magkaroon ng Memorandum Of Agreeement (MOA) ang City Government at Department of Environment and Natural Resources-Environmental Management Bureau Region 3 (DENR-EMB R3) bilang tulong ng huli sa pagpapatayo ng MRF o Material Recovery Facility sa lungsod na nagkakahalaga ng P500,000.

Ayon sa Bise Alkalde, sa bawat pagdinig na isinasagawa ng mga miyembro ng Sanggunian ay hindi na dapat sayangin ang pagkakaton na alamin at suriin ang bawat detalye upang bigyan ng sapat na kaalaman ang buong kapulungan bago aprubahan ang panukala.

Pahayag ng Pangalawang Punong Lungsod, ang klaripikasyon ay panunubok lamang niya upang alamin kung talagang inaral nang mabuti ng komite ang naturang panukala. – Ulat ni Danira Gabriel

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *