Paggamit ng OMNIKA ng mga magsasaka sa Talavera Nueva Ecija, Suportado ni Vice Governor Anthony Umali

OMNIKA Soil Conditioner, Ipinakilala sa mga magsasaka sa Talavera Nueva Ecija

Sa isinagawang Field Day and Harvest Festival na ginanap sa Barangay San Pascual, Talavera Nueva Ecija noong October 30 2019 ay sinabi ni Vice Governor Anthony Umali na suportado niya ang paggamit ng OMNIKA Soil Conditioner ng mga magsasaka sa Talavera Nueva Ecija.

Upang malaman ang resulta ay sinubukan na maghanap ni Vice Governor ng magsasaka na maaring magdemo ng nasabing produkto.

Ipinagamit ni Lito Fernando na CEO ng Kasapi Kaagapay sa Pagsasaka Incorporation ang kaniyang 1.3 hectares na sakahan gamit ang OMNIKA Soil Conditioner.

Matapos ang kulang apat na buwan gamit lamang ang Soil Conditioner ng OMNIKA na nag-aalis ng soil acidity ay umani ito ng ng isangdaan at apatnapu’t pitong kaban ng palay na mas mataas kumpara noong nakaraang anihan na umabot lamang sa walumpu’t tatlong kaban.

Vice Governor Anthony Umali, Suportado ang paggamit ng OMNIKA ng mga magsasaka sa Talavera

Ayon pa kay Vice Governor umali bukod sa Organic at walang halong chemical ang produkto ay makatutulong rin ito sa mga magsasaka na problema ang pagkalugi dahil sa pagbagsak ng presyo ng palay dahil sa pagpasok ng imported rice dulot ng Rice Tarrification Law.

Layunin ng nasabing programa na ipakilala ang makabagong teknolohiya para sa mas mainam na pamamaraan sa pagsasaka at magkaroon ng mas mataas na ani ng palay.

Ang OMNIKA ay isang Soil Conditioner na Organic at produktong gawang pinoy na nadiskubre ni Rhoda Jimenez taong 2014.

Pumapatak sa halagang Php1,500.00 ang isang kilo ng nasabing produkto.

Ayon pa kay Arleen ang OMNIKA ay hindi lamang magagamit sa palay maari rin itong gamitin sa gulay, mais pati n arin sa mga babuyan upang mawala ang mabahong amoy at manukan upang maiwasan ang dami ng langaw. Ulat ni Myrrh Guevarra.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *