Paggawa ng resolusyon para sa P1.3-b infra projects, pinagtibay ng Sangguniang Panlalawigan ng Nueva Ecija

Sa pamamagitan ng isang resolusyon ay pinagtibay ng Sangguniang Panlalawigan ng Nueva Ecija na ang kahilingan na P1.3 bilyong Infrastructure Projects ay base sa aprubadong 2016-2019 Local Development Investment Program (LDIP) at Annual Investment Plan (AIP) ng Nueva Ecija.

Kabilang sa mahigit Isang Bilyong pondo ang pagsasaayos ng kahabaan ng San Antonio-Zaragoza Road sa bayan ng San Antonio na nagkakahalaga ng P335 Milyon, Repair/Rehabilitation ng Digdig-Carranglan Road sa bayan ng Carranglan na mayroong P175 Milyon, P118 Milyon naman sa Reblocking ng Concrete Road sa Lupao-Alalay, bayan ng Lupao at marami pang iba.

Sa paliwag ni Provincial Planning and Development Office Chief Dennis Agtay, ang resolusyon na ito ang isa sa kwalipikasyon upang ipasa ng Department of Budget and Management (DBM) ang kahilingan ng Pamahalaang Panlalawigan na suportahan ng National Government ang mga nasabing proyekto.

Umaasa ang pamahalaan na karamihan sa mga panukalang proyekto na ito ay mapagbibigyan.

Dagdag pa niya, ang mga panukalang pang-imprastraktura ay sa pangunguna ni Gov. Oyie Umali kung saan ilan lamang ito sa hakbang ng Provincial Government upang lalong maisaayos at mapabuti ang kalidad ng pamumuhay ng mga Novo Ecijano. –Ulat ni Danira Gabriel


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *