Pagguhit at pagsulat ng tula, pinagkakaabalahan ng 2 political detainees

   Pinagkakaabalahan ng dalawang political detainees na sina Guiller Martin Cadano at Gerald Salonga ang pagguhit at pagsusulat ng mga tula bukod sa paggawa ng basket na kanilang kabuhayan sa loob ng Provincial Jail ng Nueva Ecija sa Cabanatuan City.

 Paksa ng mga komiks na ginagawa ni Gerald Salonga ang kanilang buhay bilang bilanggong pulitikal at mga karanasan sa pagiging aktibista.
Paksa ng mga komiks na ginagawa ni Gerald Salonga ang kanilang buhay bilang bilanggong pulitikal at mga karanasan sa pagiging aktibista.

   Itinampok sa inilunsad na Photo-Art Exhibit sa Auditoriumm ng Wesleyan University-Philippines, Cabanatuan ang mga larawan, drawing, at tula ng dalawang bilanggong pulitikal na nabanggit.

   Kwento ni Cadano, inspirasyon niya sa pagsusulat ng tula ang buhay ng mga nakilala niyang mahihirap na magsasaka sa bayan ng Carranglan kung saan sila dinakip ng mga pulis at militar.

   Makikita naman sa mga drawing ni Salonga ang kwento nilang dalawa bilang mga kabataang aktibista, mula sa kanilang pagsasaliksik sa kalagayan ng mga mamamayang maaapektuhan ng proyektong kalsada sa Carranglan, hanggang sa sila ay hulihin, at ikulong.

   Sina Guiller at Gerald ay parehas na dating estudyante ng University of the Philippines sa Pampanga at kapwa nag-aral ng kursong B.S Psychology. Si Cadano ay gumraduate na Cum Laude, samantalang si Salonga ay nahinto sa pag-aaral dahil sa kakapusan sa pera.

Si Jeoffrey Tolentino na isa ring political detainee sa Provincial Jail ng Nueva Ecija sa panayam ng Balitang Unang Sigaw.
Si Jeoffrey Tolentino na isa ring political detainee sa Provincial Jail ng Nueva Ecija sa panayam ng Balitang Unang Sigaw.

   Kasama na rin ng dalawa si Jeoffrey Tolentino na organizer ng Alyansa ng Magbubukid sa Gitnang Luzon na hinuli sa Sito Cabisalan, barangay Digdig, Carranglan at inakusahang  miyembro ng New People’s Army.

   Bagaman pare-parehong nakulong ay wala umano silang pinagsisisihan dahil ang hangarin nila ay matulungan ang mga residente sa Carranglan na mapapalayas sa kanilang mga lupain dahil sa ipinagagawang kalsada.- ulat ni Clariza de Guzman


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *