Paghahanda sa Ika – 75th Anniversary ng Pista ni Apo San Juan, puspusan na

Puspusan na ang paghahanda para sa ika pitongput limang anibersaryo ng pista ni Apo San Juan sa darating na June 24, 2019 sa Barangay Bibiclat, Aliaga, Nueva Ecija.

Kasado na para sa nalalapit na Taong Putik Festival ang St. John the Baptist Church.

Malinis at handa na din ipakita ang bantayog ng taong putik na nakapwesto sa gawing kaliwa at harapan ng nasabing parokya.

Unang nakilala sa tawag na “pagsa-San Juan,” ang mga Katolikong deboto na maagang magsisipunta sa maputik na kabukiran at doon ay bababalutin ang kanilang mga sarili sa makakapal na putik.

Gamit ang pinagbungkos na tuyong dahon ng saging bilang mga balabal, pinupuno din nila ito ng putik at sabay-sabay na tatahakin ang kalsada patungo sa simbahan ng St. John the Baptist.

Nakasanayan na rin ng mga taga Bibiclat na magpamigay ng kandila at pera bilang alay kay Apo San Juan.

Sa pahayag ni Regil Dela Cruz isang guro sa paaralan ng Bibiclat at kasalukuyang PPC Executive Officer ng Parokya ni San Juan Bautista, ang taong putik festival 2019 ay mas kaabang – abang kumpara noong nakaraang taon sapagkat ito ang taon ng pagdiriwang ng ika 75th himala sa parokya ni Apo San Juan o Juvilee celebration.

Mensahe pa ni Dela Cruz sa lahat ng patuloy na mananampalataya at makikiisa sa kapistahan ng naturang patron, na dapat ating isa buhay ang hamon ng makabagong panahon kung saan ang panata ng pagsa – San Juan ay dapat din na isapuso.

Ang Pagtataong Putik taon – taun ay panata na ng mga Aliagueño dahil sa himala nitong ipinaramdam sa mga deboto.

Samantala, muling aabangan naman ng mga kabataan maging ang katandaan ang Binibining Bibiclat 2019, Larong Lahi ng Pinoy, Basketball, Volleyball at ang hitik na hitik na dinarayo ng mga tao ang karerahan ng kalabaw. – Joice Vigilia / Shane Tolentino

https://youtu.be/jVRPuKZY9qs


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *