Pagkagutom ng mga manggagawang bukid, pinag-usapan sa SP

Ibinukas ni Bokal Baby Palilio sa budget hearing ng Sangguniang Panlalawigan ang isyu sa dinaranas na pagkagutom ng mga manggagawang bukid ng Nueva Ecija.
Ibinukas ni Bokal Baby Palilio sa budget hearing ng Sangguniang Panlalawigan ang isyu sa dinaranas na pagkagutom ng mga manggagawang bukid ng Nueva Ecija.

   Malaking kabalintunaan umano na ang lalawigan ng Nueva Ecija ay kinikilalang food basket of the Philippines habang nangunguna rin ito pagdating sa kahirapan.

   Sa ginanap na budget deliberation sa Sangguniang Panlalawigan pahapyaw na napag-usapan ang isyu sa dinaranas na kagutuman ng mga manggagawang bukid.

   Ayon kay 1st First District Board Member Belinda Palilio, may mga programa ang pamahalaan na inilalaan para sa mga maralitang mamamayan ngunit hindi naman ito angkop sa kanila kaya hindi rin nasusolusyunan ang problema sa kanilang kahirapan.

   Katulad aniya ng sektor ng mga manggagawang bukid na tuwing panahon lang ng taniman at anihan may trabaho, tinutulungan sila ng gobyerno sa pamamagitan ng pagtatayo ng kooperatiba at pinahihiram ng puhunan upang makapagtayo ng kahit maliit na pagkakakitaan pero hindi ito epektibo dahil hindi naman sila mga negosyante.

Patuloy ang panawagan ng mga manggagawang bukid para sa suporta sa kanila ng gobyerno.
Patuloy ang panawagan ng mga manggagawang bukid para sa suporta sa kanila ng gobyerno.

   Iminungkahi ni Bokal Baby Palilio na sana’y magkaroon ng konkretong programa ang pamahalaang panlalawigan para masuportahan ang mga magbubukid na nawawalan ng hanap-buhay.

   Sa sagot ni Engineer Dennis Agtay ng Provincial Planning and Development Office, sinabi nito na kinikilala ni Governor Czarina Umali ang suliraning kinakaharap ng mga manggagawang bukid. Katunayan, prayoridad umano ng gobernadora ang pagpapalakas sa sektor ng agrikultura.

   Ngunit aminado rin ito na may pagkukulang ang national at local government sa suporta para sa mga trabahador sa bukid.

   Kaya ngayong nabuksan na aniya ang usapin tungkol dito nangako ito na magsusumikap ang administrasyon upang matugunan ito.- ulat ni Clariza de Guzman


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *