Pagkakaisa at malasakit sa kapwa mamamahayag, pangarap ng bagong halal na presidente ng NEPCI

Pangarap ng bagong halal na presidente ng Nueva Ecija Press Club Incorporated na matupad sa panahon ng kanyang panunungkulan ang pagkakaroon ng pagkakaisa at malasakit sa isa’t isa ng mga kapwa mamamahayag.

Sa panayam ng Balitang Unang Sigaw kay Ginoong Aga Linsangan, ibinahagi nito na nais nyang makatulong sa mga mamamahayag ng lalawigan kaya sya nagpasyang tumakbong presidente ng NEPCI na kanya namang napagtagumpayan.

Nanalo bilang presidente ng NEPCI para sa taong 2020 si G. Aga Linsangan kasama ng iba pang mga opisyal sa ginanap na botohan noong December 7, 2019.

Kung magkakaroon aniya ng insurance ang mga miyembro ng Nueva Ecija Press Club na isa sa kanyang proyektong isusulong ay hindi na mamumrublema ang kanilang pamilya sa pagpapalibing kapag sila ay namatay.

Kagaya umano ng tulong na naiaabot sa kanilang mga miyembro ng samahan ng haranistang KKK na kanyang itinatag noong taong 2011.

Si Agapito “Aga” Linsangan ay mahigit tatlumpong taon na sa himpilan ng DWNE 900khz AM station.

Nagsimula bilang liaison officer, hanggang naging host ng Harana Live, kasalukuyang field reporter at anchor ng programang Straight Talk.- ulat ni Clariza de Guzman

Watch – Pagkakaisa at malasakit sa kapwa mamamahayag, pangarap ng bagong halal na presidente ng NEPCI

https://youtu.be/osIqIkK3JaM


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *