Pagkakaroon ng Emergency and Rescue Telecommunication Network sa Nueva Ecija, aprub

Sa inisyatibo ni Gov. Oyie Umali na mas mapabilis ang pagresponde ng mga miyembro ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO) at mga katuwang nitong ahensiya sa panahon ng sakuna ay magkakaroon na ito ng katuparan matapos aprubahan ng Sangguniang Panlalawigan sa ikatlo at huling pagbasa ang pagtatag ng emergency and rescue telecommunication network sa Nueva Ecija.

Ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Michael Calma, layunin nito na mas mapadali ang komunikasyon ng mga iba’t ibang tanggapan sa bawat isa upang agarang makaresponde sa panahon ng kalamidad o emergency.

Ito ay nagkakahalaga ng P44 milyon, ang P39 milyon ay huhugutin mula sa savings ng disaster risk reduction management fund habang ang P5 milyon ay magmumula sa unobligated appropriation para sa taong ito.

Bahagi ng proyekto ang paglalagay ng mga camera na may sensor sa mga lugar na kadalasang binabaha o nagkakaroon ng aksidente.

Habang tatlo ang pinagpipilian upang gawing mode of transmission ang fiber optic, telecommunication networks at radio frequency communication upang maireport agad sa command center sa Cabanatuan City.

Matatandaan na ilang beses na rin tinamaan at nakaranas ng matinding kalamidad ang probinsiya. Kaya ninanais ni Gov. Umali na i-upgrade sa pamamagitan ng teknolohiya ang pagbibigay serbisyo sa mga Novo Ecijano. –Ulat ni Danira Gabriel


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *