PAGLALAGAY NG DEKORASYON, KUMUKUMPLETO SA PAGDIRIWANG NG PASKONG PINOY

   Ngayon Bermonths ay nararamdaman na ng bawat isa ang simoy ng kapaskuhan, kaya naman hindi makokompleto ang pagsapit ng pasko kung walang mga dekorasyon at palamuti sa ating mga tahanan.

   Tradisyon na ng mga pilipino sa  pagpasok palang ng buwan ng September ay nag hahanda na ang ilan sa pamimili ng ibat-ibang Christmas Decoration

Mga uring mga Christmas Decoration
Mga uring mga Christmas Decoration

   Kagaya nalang ni aling Jonnie Peliciano na aming nakapanayam naabutan namin siyang namimile ng ilang mga decoration para mas maramdaman nila ang Spirit ng Christmas.

   Ayon dito sa pampublikong pamilihan siya namimile para mas makamura at maging praktikal hindi kagaya sa mga mall na mas mataas ang presyo.

   Wala naman daw umanong pinagkaiba ang produktong palengke kaysa sa mga malls basta ang maging makilatis lang sa pag pili ng dekorasyon.

   Mas mahalaga daw kay aling jonnie na makompleto ang pamilya at magsama-sama sa darating na pasko.

   Ayon naman kay Wella De Guzman mas naging matumal ngayon kumpara noong nakaraang taon, bumibenta naman ito kahit papano inaasahan nito na mas magiging mabile ang mga christ mas decoration sa pagpasok ng buwan ng december.

   Makikita sa pamilihan ng Cabanatuan

   City ang mga presyong dekorasyong pang pasko, makakamura ka at abot pa sa bulsa ang presyo naman ng malaking X-mas Tree ay nagkakahalagang 1300, ang katamtamang laki naman  ay nasa 999 at ang maliit na X-mas Tree naman ay pumapatak sa 140 pesos.

Ibat-ibang laki ng mga Christmas Tree
Ibat-ibang laki ng mga Christmas Tree

   Ang presyo naman ng poinsettia ay umaabot sa 10-15 pesos, ang Garland naman ay nasa 18-20 pesos per pcs.  Ang parol naman ay umaabot sa 24-190.

   Paalala sa mga mamimili, maging mapanuri at kilatisin ang bawat bibilin ng dekorasyon para sa darating na kapaskuhan lalo na ang palamuting ginagamitin ng kuryente katulad ng Christmas Light. -ULAT NI PHIA SAGAT

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *