Pagpapataas ng ani at kita ng mga magsasaka, layunin ng Edu farm ng DA at Corteva

Pinangunahan ni DA. Secretary William Dar ang inagurasyon ng Corteva Edu Farm kasama ang dalawang daang mga magsasaka, mga kawani ng Local Government at stakeholders sa Barangay Homestead II, Talavera noong February 25, 2020.

October 2019 nang magpirmahan ng Memorandum of Understanding ang Corteva Agriscience at Department of Agriculture para sa nasabing proyekto.

Ang Edu Farms ay idinisenyo upang tulungan ang mga magsasaka para mas dumami ang kanilang ani at magkaroon ng mas mataas na kita upang makatulong sa seguridad ng pagkain ng Pilipinas. Ito ay sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga kaalaman tungkol sa agrikultura at mga produkto.

Halimbawa na rito ang pagtatanim ng mga Hybrid Rice Varities sa ibat-ibang mga bayan o munisipalidad. Ayon kay Secretary Dar, ipinakikilala nila ang magagandang kalidad ng binhi upang makasabay ang mga magsasaka sa mga makabagong paraan ng pag-tatanim ng palay.

Maglalaan din ng bodega o Drying Facilities ang Department of Agriculture sa walong matutukoy na lugar sa lalawigan. Nagkakahalaga umano ng limang milyong piso ang bawat pasilidad, at ang kabuoan ay aabot sa apatnapong milyong piso.

Una na ngang napili ang bayan ng Talavera kung saan kasalukuyang ginagawa ang bodega na inaasahang matatapos sa loob ng tatlong buwan. Ulat ni Myrrh Guevarra

Watch – Pagpapataas ng ani at kita ng mga magsasaka, layunin ng Edu farm ng DA at Corteva


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *