Pagpapataas ng antas ng turismo sa Lalawigan, plinano ng mga Tourism Officers

Mga Tourism Officers ng iba’t ibang bayan ng Lalawigan ng Nueva Ecija na dumalo sa kauna-unahang Capacity Building Seminar Workshop na pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan, sa Lungsod ng San Jose.
Mga Tourism Officers ng iba’t ibang bayan ng Lalawigan ng Nueva Ecija na dumalo sa kauna-unahang Capacity Building Seminar Workshop na pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan, sa Lungsod ng San Jose.

Sampung taon mula ngayon, pangarap ng ATONE o Association of Tourism Officers of Nueva Ecija na makita ang pag-angat ng antas at lebel ng turismo sa Lalawigan ng Nueva Ecija.

Ayon kay Provincial Tourism Officer Tina Wycoco Paulino, layunin ng Capacity Building Seminar Workshop na mabatid kung nasaan na nga ba ang Nueva Ecija pagdating sa larangan ng turismo at makabuo ng mga plano at programang makapagpapalakas dito.

Sinabi naman ni San Jose City Tourism Officer Darmo Escuadro  na kung pagbabasehan kasi ang income pagdating sa turismo sa buong Central Luzon ay nahuhuli na ang Lalawigan.

Ang dalawampung Tourism Officers mula sa iba’t ibang bayan at Lungsod sa lalawigan na nagsidalo ay hinati sa apat na grupo upang isa-isahin ang mga kalakasan, kahinaan, oportunidad at banta sa turismo.

Kalimitan sa mga nakitang kalakasan na nakapanghihikayat sa mga turista upang dayuhin ang Nueva Ecija ay ang mga makasaysayang lugar at bahay dito, habang ang papel ng social media ang isa naman sa mga nakitang oportunidad upang mas maipakilala ang mga tourist spots sa probinsya.

Dahil naman sa mga kahinaan at banta na kanilang nakita ay napagkasunduan ng mga tourism officers na bumuo ng Nueva Ecija Provincial Tourism Council na pamumunuan ng private at public sectors.

Sa pamamagitan umano ng kanilang bubuuing asosasyon ay makakaasa ang bawat munisipalidad at Lungsod ng tuloy tuloy na mga pagpapaplano at pag-iimplementa ng mga programa para sa turismo ng Lalawigan ng Nueva Ecija.

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *