Pagsisimula ng klase sa 2020-2021, posibleng mailipat sa buwan ng Agosto

Inanunsiyo ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones sa kanyang eksklusibong panayam sa CNN Philippines ‘The Source’ ngayong araw, April 21 na maaaring mailipat ang simula ng klase ng S.Y. 2020-2021 sa buwan ng Agosto.

Sa pahayag ng kalihim, base sa kaniyang pagkonsulta sa iba’t ibang ahensiya ng bansa ay posibleng maging Agosto na ang pagbubukas ng klase at tinitingnan rin ang posibilidad ng stay-at-home classes tuwing sabado upang mahabol ang orihinal na iskedyul sa susunod na school year.

Dagdag pa ni Briones, hinihintay pa ng DepEd ang iba pang rekomendasyon o suhestiyon ng COVID-19 Inter-Agency Task Force ukol sa mga ipapatupad na panuntunan sa mga paaralan.

Inabisuhan naman ni Briones ang mga paaralan na magsasagawa ng ‘e-graduation rites’ na mag-ingat at siguraduhing walang kahit anong physical contact sa gagawing seremonya matapos nilang ihayag na postponed ang graduation rites para sa mga magsisipagtapos ngayong taon. – ulat ni El dela Cruz

Read more: https://www.facebook.com/ne.tv48/photos/a.1310069332404037/2764606543616968/?type=3&theater


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *