Pailaw sa Old Capitol Cabanatuan City, Patok pasyalan

Giant Christmas Tree sa Old Capitol Cabanatuan City,
Paboritong pasyalan para mag selfie

Paboritong pasyalan ngayon ng mga Novo Ecijano ang pailaw sa Old Capitol, Cabanatuan City, kung saan makikita ang malaking christmas tree na gawa sa makukulay na mga parol na nagbibigay sigla at saya sa mga mamamayan.

Sa tuktok nito ay ang tala na representasyon ng bituin sa Betlehem na naging gabay ng 3 hari patungo sa sabsaban kung saan ipinanganak si Hesu Kristo.

Bubungad din sa mga namamasyal ang makukulay na mga cristmas lights na nakapalibot sa mga puno at gusali ng lumang kapitolyo na naghahatid ng liwanag ng pag-asa.

Ang belen na nagpapaalala na  dahil sa dakilang pag-ibig ng Diyos ay ipinagkaloob niya ang kanyang bugtong na anak upang iligtas sa kasalanan ang sangkatauhan.

Sa entrada nito, sasalubong sa mga Novo Ecijano ang belen na nagpapaalala na  dahil sa dakilang pag-ibig ng Diyos ay ipinagkaloob niya ang kanyang bugtong na Anak upang iligtas sa kasalanan ang sangkatauhan.

Ilan sa mga naabutan ng aming team na kumukuha ng kanilang mga larawan ay ang magkaibigan na sina Jay Yabut at Sam Fernando na dumayo pa mula sa Barangay Panabingan, San Antonio, Nueva Ecija.

Ayon sa kanila, upang maaliw at marelax ang kanilang mga sarili mula sa stress na dulot ng mga school works ay naisipan nilang pasyalan ang naturang pailaw.

Anila, para sa kanila ang simbulo ng pasko ay pagpapatawad at pagsasama-sama ng buong pamilya.

Jenica San Andres  mula  Valenzuela City, Dumayo sa Cabanatuan City
upang pumasyal sa Pailaw sa Old Capitol Cabanatuan City

Ganundin si Jenica San Andres na mula pa sa Valenzuela City na pumasyal sa kaniyang kaibigan sa Cabanatuan City upang makita ang mga lights decoration sa pailaw sa lumang kapitolyo. Ulat ni Myrrh Guevarra

Watch- Pailaw sa Old Capitol Cabanatuan City, Patok pasyalan


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *