PALARONG KAPITOLYO 2015, MATAGUMPAY NA NAGTAPOS; GOVERNOR’S OFFICE, ITINANGHAL BILANG OVER-ALL CHAMPION

Buong pusong ipinagmamalaki ng Provincial Sports and Youth Development Office na masigla at matagumpay na nagtapos ang Palarong Kapitolyo ngayong taon na hatid ng Pamahalaang Panlalawigan.

MASIGLANG NAGLARO ANG MGA EMPLEYADO NG IBA’T IBANG DEPARTAMENTO NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN UPANG MASUNGKIT ANG KAMPEONATO SA PALARONG KAPITOLYO.

Ayon kay Provincial Sports and Youth Development Services Administrator Rosanna Rafael-Tumagos, taun-taon umanong nagiging matagumpay ang taunang Palarong Kapitolyo dahil sa suporta ng ama ng lalawigan na si Governor Oyie Umali at sa pakikipagtulungan ng bawat departamento ng kapitolyo.

BUO ANG SUPORTA ANG AMA NG LALAWIGAN NG NUEVA ECIJA NA SI GOVERNOR OYIE UMALI SA PAGSASAKATUPARAN NG MATAGUMPAY NA PALARONG KAPITOLYO PARA SA MGA EMPLEYADO MULA SA IBA’T IBANG DEPARTAMENTO NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN.
BUO ANG SUPORTA ANG AMA NG LALAWIGAN NG NUEVA ECIJA NA SI GOVERNOR OYIE UMALI SA PAGSASAKATUPARAN NG MATAGUMPAY NA PALARONG KAPITOLYO PARA SA MGA EMPLEYADO MULA SA IBA’T IBANG DEPARTAMENTO NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN.

Sa ginanap na palaro, namayani ang Governor’s Office (GO) matapos hakutin ang maraming awards at tanghalin bilang Over-All Champion.

Nakamit ng GO ang kampeonato sa basketball at table tennis women’s singles, 1ST runner up sa women’s volleyball at table tennis men’s singles, at 3rd runner up sa table tennis mixed doubles.

Itinanghal rin na Most Valuable Player (MVP) ang kanilang manlalarong si Lopito Antonio sa larangan ng basketball.

Samantala, narito naman ang iba pang nagwagi sa bawat palaro. Sa basketball, sumunod sa GO ang Civilian Security Unit (CSU) at PNP bilang 1st runner up, 2nd runner up ang Sangguniang Panlalawigan (SP), habang 3rd runner up naman ang Provincial General Services Office (PGSO).

KAMPEON NGAYONG TAON ANG GOVERNOR’S OFFICE (TEAM DOC ANTHONY UMALI) MATAPOS LAMPASUHIN ANG LAHAT NG KATUNGGALI SA PALARONG KAPITOLYO 2015 MEN’S BASKETBALL.
KAMPEON NGAYONG TAON ANG GOVERNOR’S OFFICE (TEAM DOC ANTHONY UMALI) MATAPOS LAMPASUHIN ANG LAHAT NG KATUNGGALI SA PALARONG KAPITOLYO 2015 MEN’S BASKETBALL.

Naitala naman ng Provincial Engineering Office (PEO) ang kanilang ikatlong kampeonato matapos muling manguna sa  volleyball men’s division, 1st runner up ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), 2nd runner up ang PTAO, 3rd runner up naman ang PGSO habang si Tito Escuadro naman ng PEO ang itinanghal na MVP.

Namayani naman ang Provincial Health Office (PHO) sa volleyball women’s division, 1st runner up ang GO, 2nd runner up ang SP habang ang Provincial Social Welfare and Development Office o PSWDO naman ang 3rd runner up.

Si Mau Navarro naman ng PHO ang itinanghal na Women’s Volleyball MVP.

Sa badminton women’s singles, itinanghal na kampeon si Angela Imperial ng PGSO, 1st runner up si Belinda Javier ng PSWDO, 2nd runner up si Catherine Joson ng PAS, habang 3rd runner up naman si Glomarie Lising ng PDRRMO.

Naghari naman sa badminton men’s singles si Sonny Puno ng PGSO, habang pare-pareho namang nagmula sa PDRRMO ang 1st runner up na si Ace Wenceslao, 2nd runner up na si Darwin Sardañas at 3rd runner up na si Torribio Fajardo, Jr.

Kampeon naman ang pinagsanib pwersang PGSO at PSA sa badminton mixed doubles, 1st runner up ang PSWDO at PDRRMO, 2nd runner up ang dalawang manlalaro ng PDRRMO, at 3rd runner up naman ang partners na PAS at PDRRMO.

Nanaig ang galing ng Governor’s Office player na si Len sa table tennis women’s singles, 1st runner up si Liza ng Sangguniang Panlalawigan, 2nd runner up si Elsa Espina ng PBO, at 3rd runner up naman si Katrina Lajom ng ELJMC.

Bumawi naman ang ELJMC matapos makamit ang kampeonato sa table tennis men’s singles, 1st runner up ang GO, 2nd runner up ang PGSO, habang ang PPDO naman ang 3rd runner up.

Sa table tennis mixed doubles, itinanghal na kampeon  at 1st runner up ang mga manlalaro mula sa ELJMC, 2nd runner up naman ang mga manlalaro ng PBO, at 3rd runner up naman ang GO players.

Pinatumba naman ni Rc Prado ng PHRMO ang lahat ng kalaban sa larangan ng chess matapos tanghaling kampeon. 1st runner up si Ed Serrano ng Provincial Public Employment Services Office (PESO), habang 3rd runner up naman si R. Moises ng Provincial Treasurer’s Office (PTO).

Bawat nagwagi ay tumanggap ng cash prizes, trophies at medals mula sa Provincial Government.

Samantala, inaasahan namang mas magiging masigla pa ang Palarong Kapitolyo sa mga susunod pang mga taon ayon sa pamunuan ng Provincial Sports And Youth Development.- ULAT NI JANINE REYES.

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *