Palasyo, wala nang atrasan sa National ID

Wala nang atrasan ang pagpapatupad ng National ID system sa bansa sa gitna ng kontrobersya sa sinasabing data breach sa passport.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, mismong si Pangulong Duterte ay tiyak na hindi papahintulutang magkaroon ng information breach sa ID system lalo na at itinuturing nila itong isang maselang usapin.

Sabi ni Panelo, mas­yado pa ngang maaga para magkaroon ng anumang konklusyon kaugnay ng sinasabing data breach sa mga nagma-may-ari ng pasaporte kaya’t wala silang nakikitang rason para ikonekta ang isyu ngayon sa DFA sa napipinto namang pagpapatupad ng national ID sa taong ito.

Read more at https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2019/01/16/1885499/wala-nang-atrasan-sa-national-id-palasyo#bfi81y0jrHmwsa33.99


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *