Mga natatanging konsehal sa lalawigan, pinarangalan

Pinarangalan ng pamahalaang panlalawigan  ang lahat ng miyembro ng PCL o Philippine Councilors League of  Nueva Ecija bilang pagkilala sa kanilang tatlong  termino o siyam na taong pagseserbisyo sa bawat bayan sa lalawigan.

Ang PCL o Philippine Council ors League  ay samahan ng mga konsehal na naatasan na bumalikat sa bawat munisipalidad at lungsod  na kanilang nasasakupan.

Ang PCL ay nasa ika dalawamput limang taon na sa taong ito kung kaya isinabay sa selebrasyon ang pagbbigay parangal sa mga miyembro sa pangunguna ng pamahalaang panlalawigan.

Ayon kay Bokal Macoy Matias ang  Presidente ng PCL Nueva Ecija Chapter na may bagong aktibidad na ibinaba na kakatawanan muli ng mga konsehal  bago sila tuluyang bumaba sa pwesto.

Bilang pambungad na mensahe naman ng ama ng lalawiganay binangit nito ang pagbibigay solusyon sa problema ng maraming magsasaka sa lalawigan.

Dagdag pa ng gobernador na kahit sa pang huling termino ng mga konsehal ay hindi doon natatapos ang paglilingkod nila sa lalawigan dahil naniniwala ito na ang isang councilor ay mananatiling councilor dahil sa nakasanayang serbisyo sa mga kababayan.

Pahayag naman ni  Maybelyn Fernandez ang siyang tumatayo bilang PCL National President na habang tumatagal ay  lalo pang tumitibay at mas marami ang nakikiisa sa mga aktibidad.

Dagdag pa nito na bumibilib ang mga konsehal sa ibang bansa sa samahan ng mga konsehal sa Pilipinas dahil naoorganisa mabuti ang patakbo sa bawat nanunungkulan.

Sa kasalukuyan din ay gumagawa ng aksyon ang PCL National ukol sa pagsasaayos sa benepisyo na makukuha  mula sa GSIS.

Sa susunod na taon ay magsisilbing host ang PCL  sa gaganapin na First Asian Councilors Forum sa buwan ng disyembre kung saan ang mga samahan naman ng konsehal sa karatig bansa ay pupunta sa pilipinas upang Makita kung ano ang kagandahan ng organisasyon sa ating bansa.

Nagpasalamat naman si Ariel Severino ang konsehal ng bayan ng Cabanatuan  bilang huling termino nia sa panunungkulan.

Si Robert Jacinto naman na konsehal ng bayan ng Sta. Rosa ay  nagpaabot din ng mensahe para sa mga miyembro at magiging miyembro pa ng PCL Nueva Ecija.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *