pamahalaang panlalawigan, bibili ng lupang pagtatayuan ng convention center sa Talavera

Aprubado sa una at huling pagbasa sa 13th Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan noong Martes, September 24, 2019 ang kahilingan ni Governor Aurelio Umali na maglaan ng 15 million pesos na kukunin mula sa un-obligated appropriation ng Calendar Year 2019 Development Fund upang bumili ng 8, 237 square meters na lupain sa Barangay Dinarayat sa bayan ng Talavera at pagpasok sa isang kontrata para sa deed of absolute sale.

Nauna na dito ay inaprubahan din ng mga miyembro sa una at huling pagbasa na bigyang otoridad ang gobernador na tanggapin ang mga lupang may sukat na 32, 160 square meters at 3, 443 square meters na idodonate o ibinibigay sa Provincial Government ng pamilya ng mag-asawang Ramon D. Pineda at Elvira A. Pineda.

Ayon kay Atty. Olive Jane Manuel-Cornejo, Officer-in-Charge ng Provincial Assessor’s Office, ang lupang nais bilhin ng Pamahalaang Panlalawigan at ang mga lupang binibigay ng mag-asawa ay magkakatabi lamang at parehong pagmamay-ari ng pamilya Pineda.

Aniya, sa kabuuan ay aabot sa mahigit na apat na ektarya ng lupain sa nasabing barangay ang maaaring pagtayuan ng inisyal na plano ng Provincial Government na Convention Center, eskwelahan at Hospital.

Sa panayam kay Vice Governor Anthony Umali, sinabi nito na ang lahat ng mga programa na ninanais ni Governor Aurelio Umali ay bahagi ng pag-unlad ng bayan ng Talavera at sa nalalapit na pagiging lungsod nito.

Mahalaga aniya sa pagpapaunlad ng isang lugar ang pagkakaisa ng mga namumuno para sa patuloy na pag-asenso ng komunidad, kaya naman natutuwa aniya siya dahil patuloy sa pag-agapay ang Provincial Government sa pangunguna ni Governor Oyie para sa magagandang pagbabago sa bawat bayan o lungsod sa lalawigan.β€” Ulat ni Jovelyn Astrero


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *