Pambato ng CAS at CONAMC, itinanghal na Mr. and Ms. Wesleyan 2020

Nanalo bilang Ms. Wesleyan 2020 si Krystel Joy Elvambuena at Mr. Wesleyan 2020 naman si Enrico Ponce sa ginanap na Coronation Night noong February 26.

Pinaka-inabangan sa pagdiriwang ng 74th Founding Anniversary ng Wesleyan University-Philippines ang Mr. and Ms. Wesleyan 2020 na taunang patimpalak ng unibersidad.

Bago ang naturang awarding ng mga nanalo, rumampa muna ang mga kandidato at kandidata suot ang kanilang creative attire, swimwear long gown at formal attire.

Kaniya-kaniyang cheer naman sa kanilang pambato ang mga estudyante ng Wesleyan University na nagpainit sa gabi ng coronation.

Sa huli ay nakamit ni Enrico Ponce mula sa College of Arts and Sciences ang titulo bilang Mr. Wesleyan 2020.

Bukod pa rito ay hakot awards si Ponce nang masungkit niya ang Mr. Photogenic, Mr. Brilliant Skin, Smart Texter’s Choice Awards, Mr. Nails Glow at Best in Talent.

Habang ang pambato naman ng College of Nursing and Allied Medical Courses na si Krystel Joy Elvambuena ang nag- uwi ng korona bilang Ms. Wesleyan 2020.

Nagwagi naman sina Jussel Phillip Buenaventura ng College of Engineering and Computer technology at Mikaela Tubig ng College of Business Administration bilang 1st Runner Up.

Sina Jarvis Singh at Jamisia Queenie Espinosa ang nakakuha ng 2nd Runner Up habang 3rd Runner Up naman ang pambato ng High School Department na si Raphael James Cruz at Ashkena Keitlyn Pineda ng College of Arts and Sciences.

Tila isang tradisyon na umano ang pagsasagawa ng patimpalak na ito ayon sa Vice President of Academic Affairs ng Wesleyan University na si Marietta Agustin.

Dagdag pa niya, pinakasinusubaybayan ang pageant tuwing Founding Anniversary ng unibersidad.

Samantala, nauna nang nagpakitang gilas ang mga kalahok sa ginanap na Pre-pageant and Talent Competition noong February 17 sa SM City Cabanatuan. – Ulat ni El dela Cruz/Shane Tolentino

Watch – Pambato ng CAS at CONAMC, itinanghal na Mr. and Ms. Wesleyan 2020


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *