Pamilya ng itinuturong Gunman sa pagpaslang kay Fr. Nilo, nananawagan ng tulong

Sa eksklusibong panayam ng Balitang Unang Sigaw kay Elena “Ely” Matias, Lola ng suspek, sinabi nito na inosente ang kanyang apo sa krimen na ibinibintang sa kanya.

Kwento ni Lola Ely, pinayuhan nito ang kanyang apo na lakasan ang loob at huwag mawalan ng pag-asa, nang dalawin niya ito sa kulungan.

Sa panayam naman sa tiyahin ni Adel na tumangging ipakita ang kanyang mukha sa camera, hindi aniya siya naniniwala na magagawa ng kanyang pamangkin ang pumatay ng tao, lalo pa’t pari ang biktima.

Nanawagan naman ang Ina ni Adel na nasa Riyadh, Saudi Arabia, na tulungan at suportahan sila ni Pangulong Rodrigo Duterte na malinis ang pangalan ng kanyang anak dahil napagbintangan lamang aniya ito at hindi magagawang pumaslang.

Madalas naman umanong makitang nakatambay ni Aries Espinosa, Pangulo ng TODA ng Barangay Malapit Purok 6, si Adel sa kanilang paradahan kung saan madalas itong makipagkwentuhan sa mga kakilala at kaibigan.

Mabait at hindi magagawang pumatay ng kapwa, ganyan umano niya ito nakilala.

Ayon naman sa saksi, tiyak umano siyang walang kinalaman si Adel sa pamamaslang sa Pari dahil nung mga panahong iyon ay nakikipag inuman ito sa kanyang mga kaibigan sa paradahan.

Panawagan din nito na sana’y matulungan si Adel na mapatunayang wala itong kasalanan.

Sinabi naman ni Punong Barangay Endeng Franco, na dating Pangulo si Adel ng Fraternity na Kappa Epsilon, aktibo sa mga aktibidades ng Barangay ngunit nadawit sa Droga kamakailan.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Nueva Ecija Police Provincial Office si Adel Roll Milan. At patuloy namang tinutugis ng mga kapulisan ang lima pang suspek sa pamamaslang kay Rev. Fr. Richmond Villaflor Nilo.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *