Pangangampanya para sa Barangay at SK Election, aabot lamang ng syam na araw

Ayon sa COMELEC aabot lamang ng 9 na araw ang campaign period mula May 4 hanggang May 12, sa ganitong paraan  maiiwasan ang pagbibigay ng regalong pera o kahit in kind sa mga botante.  Aabot lamang ng 5 piso per botante ang maaring gastusin ng mga kandidato sa darating na eleksyon kasama na rin dito ang  gagastusin para sa mga tarpaulin at iba pang campaign paraphernalia. Ang election period ay mag sisimula sa April 4 hanggang May 21 at sa panahon na ito ipinagbabawal ang pagbabago ng presinto at pag gawa ng bagong presinto, pagdadala ng mga armas, pag gamit ng mga security personnel at body guards ng mga kandidato, paglilipat ng mga opisyal, empleyado  at suspensyon ng kahit na sinong elective local officer. magsisimula ang botohan sa May 14  ganap na alas 7 ng umaga hanggang alas 3 ng hapon kung saan manual ang magiging pag bilang ng mga boto. – Ulat ni Amber Salazar


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *