PANGARAP NA SCHOOL FENCE SA STA ROSA NATIONAL HIGH SCHOOL, MAISASAKATUPARAN NA

Personal na iniabot ni Governor Aurelio “Oyie” Umali nitong nakaraang Martes sa pamunuan ng Mataas na Paaralan ng Sta. Rosa  ang tseke na nagkakahalaga ng P597,447.90 bilang tulong pinansiyal para sa pagpapagawa ng mas maayos na bakod ng paaralan.

PERSONAL NA INIABOT NI GOV. AURELIO “OYIE” UMALI ANG TSEKE SA PRINCIPAL NG STA.ROSA NATIONAL HIGH SCHOOL NA SI ADORA DELA CRUZ BILANG TULONG PINANSYAL PARA SA GAGAWING SCHOOL FENCE NG PAARALAN
PERSONAL NA INIABOT NI GOV. AURELIO “OYIE” UMALI ANG TSEKE SA PRINCIPAL NG STA.ROSA NATIONAL HIGH SCHOOL NA SI ADORA DELA CRUZ BILANG TULONG PINANSYAL PARA SA GAGAWING SCHOOL FENCE NG PAARALAN

Masayang tinanggap ng mga guro, magulang at mga mag-aaral ang ipinangako at regalong school fence ng ama ng lalawigan.

Ayon sa kanila, sa wakas ay masisiguro na ang kaligtasan at mabibigyang-solusyon na rin ang problema sa mga estudyanteng tumatalon sa dating mababang bakod upang tumakas sa klase.

Sa kanyang mensahe, ipinaunawa ng gobernador sa mga estudyante ang proyekto, kahalagahan ng pag-aaral at kung bakit dapat iwasan ang pagtakas sa klase.

Samantala, labis  naman ang pasasalamat ng mga guro, magulang at mga mag-aaral kay Governor Umali dahil sa kanyang pagbisita at sa malaking tulong na ipinagkaloob nito sa kanila.-ULAT NI JANINE REYES.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *