Pangblock sa fake news sa social media site, itinuro ng NUJP–NE Chapter

Itinuro ng National Union Journalist of the Philippines – Nueva Ecija Chapter sa campus media teachers and Journalists ng Department of Education Nueva Ecija Division ang Facebook Fake News Blocker upang mapigilan ang pagkalat ng mga pekeng balita sa social media .

Sa ginanap na seminar na may temang NUJP-NE and Senior High School Campus Media Rising for Press Freedom, inihayag ni Justine Emmanuel Dizon, Producer ng CLTV 36 at National Director ng NUJP na pwedeng tanggalin ang mga fake news sa mga website.

Maaari rin aniyang ilagay o iinstall ang Fakeblok.com sa mga computer upang agad na matukoy kung ito ay naglalaman ng mga pekeng balita.

Ang Fakeblok.com ay isang application na inilabas ng NUJP noong june 8, 2017 na nakaka detect ng fake news sa site ng Facebook.

Si Justine Emmanuel Dizon ng CLTV 36 at NUJP Director habang inaabutan ng plake ng pasasalamat ng NUJP-NE.

Nagbigay rin si Dizon ng mga pamamaraan kung paano matutukoy na peke ang isang balita; una siyasatin ang website kung ito ba ay lehitimo o kaya ay naglalaman ng kakaibang impormasyon.

Pangalawa, i-tsek kung may kredibilidad ba ang sumulat ng artikulo.

At, ikatlo suriin ang larawan kung akma sa artikulo o nakabatay sa nakasulat dito.

Isa sa mga katanungan kung credible source pa ba ang social media sa mga mag-aaral?

Sagot ni Dizon, isa ang social media sa pinagkukuhanan ng totoo at maling impormasyon kaya dapat na suriin muna ang mga detalye bago ito ipakalat para maiwasan ang paglaganap ng mga pekeng balita.

Hinikayat rin ng NUJP – NE chapter  ang mga netizens na magtulungan upang agad na mapigilan ang pagkalat ng mga fake news  na nagdudulot ng kalituhan.

Dinaluhan ang naturang seminar ni DEPED NE Superintendent Dr. Ronaldo Pozon, campus media faculties and journalists ng Aliaga National High School, Restituto  B. Peria National High School, Talavera National High School, Nueva Ecija National High School at T.A. Dionisio National High School.- ulat CLARIZA DE GUZMAN


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *