Panloloob sa Opisina ng NEECO II, Huli sa CCTV Camera; 31-Anyos na Dalaga, Hinalay at Pinatay ng Tricycle Driver

NEECO II Sto. Domingo District Office located at Barangay Malasin, Sto. Domingo.
NEECO II Sto. Domingo District Office located at Barangay Malasin, Sto. Domingo.

Huli sa CCTV camera ang panloloob ng mga hindi nakilalang kawatan sa opisina ng NEECO II sa barangay Malasin, bayan ng Sto. Domingo.

Natuklasan ng security guard na si Leonilo Mata sa recorded CCTV ang pagnanakaw ng mga suspek na nakapasok sa gusali sa pamamagitan ng pagbaklas ng steel grill ng sliding window sa likuran.

Tinangay ng mga magnanakaw ang isang Caliber .38 revolver, 12 gaguge Akkar Shotgun  na nakarehistro kay Arnel Manaloto na pag-aari ng Area Manager ng NEECO II na si Edgar Allan Parungao, at isang Converse shoes na nagkakahalaga ng mahit kumulang tatlong libong piso.

 

31-year old Mary Jane Villanueva of barangay San Antonio, Cuyapo was raped and killed by a tricycle driver.
31-year old Mary Jane Villanueva of barangay San Antonio, Cuyapo was raped and killed by a tricycle driver.

Cuyapo- Pinatay matapos halayin ng isang tricycle driver ang 31-anyos dalaga sa kanyang sariling tahanan sa barangay San Antonio, bayan ng Cuyapo.

Kinilala ang biktimang binawian ng buhay dahil sa pananakal ng suspek na si Mary Jane Villanueva.

Habang ang rapist na nahuli ng mamamayan ay kinilalang si Johnson Lacurom y Lachica, 31-anyos, residente rin ng naturang barangay.

Ayon sa salaysay ng mga saksi, bandang 9:00 ng gabi ng mamamataan ang suspek sa harap ng bahay ng biktima. 10:30 PM, nang marinig ang paghingi ng saklolo ng biktima.

Isa sa mga saksi ang nagising mula sa pagkakatulog at agad na sumugod sa tirahan ng biktima at doon ay napansin ang papatakas na suspek.

Hinabol ng mga tao sa barangay ang suspek at nang mahuli ay itinurn-over sa mga barangay tanod.- ulat ni Clariza de Guzman.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *