Panukalang P450 milyon pondo para sa pagpapatayo ng mga rice mill sa Nueva Ecija, sinuportahan ng Sangguniang Panlalawigan

Sinuportahan ng Sangguniang Panlalawigan ang panukalang paglalaan ng halos kalahating bilyong pisong pondo para sa pagpapatayo ng sariling rice mills ng pamahalaang panlalawigan sa bawat distrito ng Nueva Ecija.

Ito ang pinagkaisahang inaprubahan ng mga miyembro sa unang pagbasa sa Ika-siyam na karaniwang pagpupulong na ginanap noong March 3, 2020.

Ayon kay Vice Governor Anthony Umali, ang proyekto ay bahagi ng magandang plano ng provincial government sa pangunguna ni Gov. Aurelio Umali na patuloy at lubos na makatulong sa mga magsasaka.

Sa kasalukuyan kasi, ay nakikipagkasundo lang ang Provincial Food Council (PFC) sa mga pribadong rice mill sa probinsiya upang magiling ang mga biniling palay sa mga magsasaka.

Habang sinisimulan na rin ang operasyon ng mobile flash dryers sa bayan ng Peñaranda upang makatuwang sa pagproseso ng mga palay.

Dahil sa pangangailangan nito, ay manghihiram ang kapitolyo ng P1 bilyong mula sa Development Bank of the Philippines (DBP) na hahatiin sa tatlong proyekto.

Ang dalawang natitirang bahagi nang uutangin ay ilalaan naman sa iba pang mga proyekto. Isa na rito ang P550 milyong pondo na gagamitin sa pagpapatayo ng Commercial Business District sa bayan ng Talavera.

Ang natitirang P10 milyon ay ipambibili ng mga medikal na kagamitan para sa bagong gusali ng ELJ hospital na ipinatayo ng kapitolyo na inaasahang magbubukas sa mga susunod na buwan.

Dagdag ng Bise Gobernador, ang lahat ng mga programa at proyekto ay nagkakaroon ng katuparan dahil sa pakikipagtulungan ng mga miyembro ng sanggunian.

Mahalaga aniya na nagkakaisa ang mga lingkod bayan tungo sa isang layunin na makapagbigay ng may malasakit na serbisyo sa mga mamayang Novo Ecijano. –Ulat ni Danira Gabriel

Watch – Panukalang P450 milyon pondo para sa pagpapatayo ng mga rice mill sa Nueva Ecija, sinuportahan ng Sangguniang Panlalawigan


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *