Pari, nanawagan sa mga pulitiko na magkaisa para tulungan ang mga magsasaka

Nananawagan ang isang pari sa mga political leaders na isantabi muna ang pamumulitika at magkaisa para tulungan ang mga magsasaka na apektado ng pagbagsak ng presyo ng palay.

Sa ika-labindalawang episode ng programang Usapang Malasakit sa Lipunan, hinikayat ni Fr. Arnold Abelardo ng Ako ang Saklay Incorporated na ipagdasal ng mamamayan na magkasundo ang mga namumuno sa mga lokal na pamahalaan ng Nueva Ecija alang-alang sa mga magsasaka.

Paliwanag ni Fr. Abelardo na miyembro ng Provincial Food Council na dapat munang pagtuunan ng pansin ng mga pulitiko ang kapakanan ng mga magsasaka at kalimutan muna ang mga personal na interes. 

Ang panawagan ay ginawa ni Fr. Abelardo kasunod ng pagkausap umano ng ilang kongresista ng lalawigan kay Agriculture Secretary William Dar upang ipatigil ang pamimili ng palay ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Aurelio Umali sa mga mga mahihirap na magsasaka sa pamamagitan ng Food Council.- ulat ni Clariza de Guzman

https://youtu.be/WFXK4c212Cw


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *