Paring Pinoy, pinili bilang bishop ng Los Angeles

Los Angeles – Itinalaga ni Pope Francis si Fr. Alex Aclan bilang pinakabagong auxiliary bishop para sa archdiocese ng Los Angeles, ang ikalawang Filipino American na pari na naging bishop sa US.

  Si Aclan, 68-anyos, ay nagsilbi bilang associate pastor sa dalawang local na simbahan at naging pari rin sa clergy para sa archdiocese simula noong 2015. Nasa sabbatical si Aclan ng pitong buwan bago pa man siya italaga bilang bishop ng Los Angeles.

Anak si Aclan ng isang piloto ng Philippine Army Air Corps, nag-aral ng medisina at kalauna’y nagtrabago sa IT sector. Lumipad siya sa US kasama ang kaniyang pamilya noong 1982 kung saan siya nagtrabaho sa banking industry bilang project manager.

Read more at https: //remate.ph/2019/03/07/paring-pinoy-pinili-bilang-bishop-ng-los-angeles/


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *