Partidong Unang Sigaw, naghain ng COC sa lungsod ng Cabanatuan; Dobol P, kakandidato bilang Mayor

Alas-otso ng umaga ay sama-samang dumalo ang buong team ng lokal na partidong Unang Sigaw para sa isang banal na misa sa Sto Niño Church, Cabanatuan City, kahapon, October 17, 2018.

Ito ay pinangunahan ni Fr. Benjie Javier, na kung saan pinuri ang grupo sa paghingi ng basbas mula sa simbahan bago simulan ang paghahain ng kandidatura.

Ala-una y medya ng hapon, tumulak ang grupo sa Comelec Office ng lungsod upang opisyal na maghain ng kanilang Certificate Of Candidacy (COC) sa lungsod ng Cabanatuan.

Tatakbong Mayor si Dating Konsehal Gabriel “Gave” Calling at Bise Alkalde niya si Dating Kapitan Ramon “Suka” Garcia.

Ang hanay ng mga Konsehal ay sina Melchor Morales, Fortune Eusebio, Joel Del Mundo, Richard Medina, Catalino Pineda, Jeffrey Fernandez, Jubal Esteban, Christopher Glenn Calling, Mark Allein Tolentino at Christian Jan Cecilio.

Samantala, humabol din sa huling araw ng paghahain ng kandidatura ang tinaguriang Boses ng Katotohanan Philip “Dobol P” Piccio.

Kakandidato bilang independyente si Piccio sa posisyon ng Mayor.
Makakalaban ni Piccio at Calling sa pagka-punong lungsod si 3rd Distrcit Congresswoman Ria Vergara sa ilalim ng PDP-Laban at mga independent candidate na sina Ferdinand Vergara at Lester Mariano.

Matatandaan na sinampahan ng kaso ni Dobol P si Ria dahil sa pagiging Non-Valid Registered Voter at American Citizen umano nito noong kumandidato bilang Kongresista noong Election 2016 na kasalukuyang nakabinbin sa House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) at Supreme Court (SC). –Ulat ni Danira Gabriel


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *