Pasahe sa jeep P10 na, mula November 2018

Epektibo pagpasok ng buwan ng Nobyembre ng taong ito ay P10 na ang singil sa minimum na pasahe sa mga pampasaherong jeep mula sa dating P8 minimum fare para sa unang apat na kilometrong takbo ng sasakyan.
Ito ay makaraang ap¬ru¬bahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang fare hike petition ng mga transport group na FEJODAP, ACTO, ALTODAP, LTOP at Pasang Masda.
Binigyang-bigat ng LTFRB sa kanilang desisyon ang rason ng naturang mga transport groups na matindi na ang epekto sa kanila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petroleum products at presyo ng mga bilihin at spare parts kaya napapanahon na anila ang bagong dagdag sa pasahe.

Read more at https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2018/10/18/1861028/pasahe-sa-jeep-p10-na-mula-nov#qSuF2ksmOvBJbt2Q.99


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *