Patay na lalaki, iniluwa ng ilog; Naaagnas na bangkay ng amo, natagpuan ng katulong

   Natagpuang lumulutang sa ilog ang isang patay na lalaki sa barangay Culong sa bayan ng Guimba.

Habang binibisita ni Felipe Manuel ang kanyang bukid sa Culong, Guimba nang makita nito  ang bangkay ng isang lalaki na lumulutang sa ilog .
Habang binibisita ni Felipe Manuel ang kanyang bukid sa Culong, Guimba nang makita nito ang bangkay ng isang lalaki na lumulutang sa ilog .

   Ang biktima ay nakasuot ng kulay yellow-green na T-shirt at maong short pants, may taas na 5’4, katamtaman ang pangangatawan, tinatayang nasa edad 40-50 anyos.

   Base sa report ng Guimba Police Station, 8:00 ng umaga nang matuklasan ni Felipe Manuel y Domingo ng barangay Bunol Centro ng naturang bayan, ang bangkay habang binibisita niya ang kanyang bukirin.

   Isinailalim sa autopsy examination ang labi ng biktima upang matukoy ang pagkakakilanlan nito.

   Cabanatuan- naagnas na bangkay ng kanyang amo ang nadatnan ng isang katulong sa Felicimo Street, Doña Adela Subdivision, barangay Mabini Homesite.

Nadatnan na lamang ni Emily Pavan na patay na at naagnas na ang katawan ng kanyang among si Eugenio Simbulan
Nadatnan na lamang ni Emily Pavan na patay na at naagnas na ang katawan ng kanyang among si Eugenio Simbulan

   Kinilala ang biktimang si Eugenio Simbulan y Sayo, 59, may asawa, at residente ng nasabing lugar.

   Ayon kay Emily Pavan, 6:30 ng umaga nang makita niya ang kanyang amo na nakahiga sa sofa sa salas ng bahay nito na isa na palang malamig na bangkay.

   Pinaniniwalaang binawian ng buhay ang biktima sa natural na dahilan.- ulat ni Clariza de Guzman.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *