Asst. Principal sa Palayan City, kabilang sa higit 20,000 gurong pasado sa Nat’l Qualifying Exam for School Head

Magkahalong lungkot at saya ang naramdaman ni Carlos Galvez Corpuz,  Assistant principal mula sa Palayan City National High School ng malaman ang resulta na  isa siya sa mapalad na nakapasa sa  Qualifying Exam for School Head o Principal’s Test nitong nakaraang linggo.

Sa aming ekslusibong panayam sa kanya, hindi naging madali ang kanyang paghahanda sa nasabing pagsusulit dahil umano sa napakaraming tungkulin bilang gumagabay sa punong guro. Pinipilit lang aniya nitong isingit sa dami ng trabaho sa pang araw araw na buhay.

Dagdag pa nito very challenging aniya ang posisyon sapagka’t sa kaniyang kamay na manggagaling ang lahat ng desisyon patungkol sa paaralan sa oras na siya ay maupo. Dapat malawak din aniya ang kaalaman ng isang magiging punong guro.

Ibinahagi din nito ang inspirasyon sa likod  ng kanyang pagkakapasa sa Principal’s test.

Down to Earth at Simple ganyan naman ilarawan ng kanyang mga katrabaho si Corpuz.

Binansagan din sa Eskwelahan bilang  ‘lalaking walang pahinga’ sa sobrang sipag at dedicated sa trabaho.

Unang naging Head Teacher ng higit pitong taon at kalahati  si Carlos Corpuz  sa Rizal National High School, nagturo din sa Pantabangan National High School at magdadalawang taon na sa Palayan City National High School ngayong taon.

5, 011 ang pumasa sa higit  20, 000 na kumuha sa nasabing exam at apat ang pumasa mula sa Palayan City National High School isang Head Teacher, Master Teacher, Teacher 3 mula Science Department at kabilang nga si Carlos Corpuz.

Sa ngayon ay naghahanda na si Corpuz sa nalalapit na ranking  for principal’s position .-Ulat ni Getz Rufo Alvaran.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *