PDRRMC, nagsagawa ng pagpupulong para sa pagbabantay ng TD Jenny

Nagsagawa ng Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) ang PDRRMC ayon sa direktiba ni Governor Aurelio Umali para sa Tropical Depression Jenny kasama ang iba’t ibang ahensya na kasapi nito na ginanap sa Auditorium ng Old Capitol Compound,  Cabanatuan City noong Martes August 27, 2019.

Pinangunahan ng  NIA UPRIIS ang pagpupulong na nagbigay  update sa  kasalukuyang status ng  Pantabangan Dam elevation as of 3:44 PM noong Martes na nasa 196.6 at ang spilling level nito na nasa 221.

Wala naman dapat ipangamba ayon kay Engr. Rose Bote, Chief ng NIA UPRIIS dahil malayo pa aniya bago magpakawala ng tubig ang dam.

Tinalakay naman ng PDRRMO o Provincial Disaster Risk Reduction Management Office ang lagay ng panahon noong  Martes na binase nila sa report sa kanila ng mga Cities at Municipalities sa lalawigan.

Martes ng gabi kasama ang Nueva Ecija na umakyat sa Signal No. 1 kaya naman sa rekomendasyon ng PDRRMC at upang masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante ng anumang antas ay ideneklara ni Governor Umali ang suspensyon ng klase  mula Pre Elem hanggang Elementary levels ng mga pampubliko at pribadong paaralan kahapon August 28, 2019. Nagdeklara rin na walang pasok sa High School sa bayan ng Guimba, Pantabangan, Talugtog, San Leonardo at Lungsod ng Gapan kahapon as of 1:24.

Nagbigay impormasyon naman ang Provincial Agricultures Office sa sektor ng agrikultura bilang bahagi ng risk assessment sa lalawigan. Mayroong kasalukuyang  196, 632. 48 hectares ang naitanim na palay sa lalawigan at 7, 133.05 ektarya naman ang na-harvest na.

Nakaantabay rin ang 60 Medical Personnel ng PHO na nahati sa tatlong Teams na mag-duduty sa Convention Center at Old Capitol  maging ang mga gamot ay handa na rin.

Tiniyak naman ng PSWDO na may 2, 600 ng Food Pack, 510 na Hygiene Kit at maging ang Community Kitchen ay handa na rin para sa mga Evacuees na lilikas sa  54 Evacuation Center kung sakaling humagupit si TD Jenny.

Pinaalalahanan naman ni Michael Calma-Chief ng PDRRMO ang mga Novo Ecijano na huwag ipagsawalang bahala ang mga kalamidad,   maging mapagmatayag sa kapaligiran, makibalita sa social media, magmonitor at sundin ang mga payo ng mga LDRRMO sa kanilang lugar.-Ulat ni GETZ RUFO ALVARAN.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *