Pera ng China maaari nang gastusin sa ‘Pinas

Photo Courtesy: Abante Una sa Balita

AASAHANG ma­ga­gamit na sa bansa ang pera ng China sa mga darating na araw.

Ito ay dahil na rin sa nilagdaang memorandum of agreement sa pagitan ng Pilipinas at China sa pagbisita sa bansa ni Chinese President Xi Jinping noong Martes.

Ito ay ang Letter of No Objection to the Organization of the Renmibi-Philippine Peso Fo­reign Exchange Tra­ding Market na pinirmahan nina Bangko Sentral ng Pilipinas Deputy Governor for Financial Sector Chuci Fonacier at Bank of China Chairman Chen Siqing.

Dahil dito, maaari ng magamit ang pera ng China sa mga transaksiyon sa Pilipinas sa sandaling mailatag ang rules and regulations na nakapaloob sa kasunduan.

Kasama rin sa kasunduang pinagtibay ng Pilipinas at China ay ang Memorandum of Understanding on Panda Bonds Issuance na ang ibig sabihin, maaari ng mag-isyu ang Pilipinas ng Renmibi bonds na sa China ibebenta.

Ang kasunduan ay pinirmahan nina Finance Secretary Carlos Dominguez at Chairman Chen Siqing ng Bank of China.

Read More at: https://www.abante.com.ph/pera-ng-china-maaari-nang-gastusin-sa-pinas.htm


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *