Philippine Army, ERDB, at BESTI, pumirma sa kasunduan para sa reforestation ng 240 ha lupain sa Fort Ramon Magsaysay Military Reservation

   Bilang pakikiisa sa mas pinalawak na National Greening Program ng Pamahalaan ay pumasok sa isang Tripartite Agreement ang 7th Infantry Division, Philippine Army, Ecosystems Research and Development Bureau-Department of Environment and National Resources at Bacao Ecological Systems and Technologies, Inc. para sa rehabilitasyon ng 240 ektaryang lupain na nasasakupan ng Military Reservation sa Fort Ramon Magsaysay, Palayan City.

Pumirma sa isang kasunduan ang Philippine Army, ERDB at BESTI para sa reforestation at rehabilitation ng 240 ektaryang lupain sa Fort Ramon Magsaysay Military Reservation.
Pumirma sa isang kasunduan ang Philippine Army, ERDB at BESTI para sa reforestation at rehabilitation ng 240 ektaryang lupain sa Fort Ramon Magsaysay Military Reservation.

   Ayon kay Father Jacinto Beltran, Director ng Office for Ecological Concerns ng Diocese of Cabanatuan, ang tatlong partido ang mangunguna at mangangasiwa sa pagtatanim ng iba’t ibang puno na tinatawag na Philippine Mahogany.

   Sakop ng 240 ektaryang lupain na ito ang Sitio Bacao ng Brgy. Doña Josepa at Brgy. Langka, kung saan kasalukuyang naninirahan ang mga katutubong Aeta at Igorot na kinupkop ng Simbahang Katoliko, na magiging katuwang sa pagtatanim ng isang daan at dalawampong libong seedlings.

   Dagdag ni Fr. Beltran, isa sa naging basehan ng programa sa pagpili sa naturang lugar ay ang pagkakaroon ng komunidad dito na maaaring mangalaga ng mga itatanim na puno.

   Ayon pa kay Fr. Beltran, kada seedlings na itatanim ay kargado ng micro raisa na base sa pananaliksik ng ERDB ay nakatutulong upang patatagin ang mga ugat ng mga ito.

   Dumating man ang tag-araw, ang mga seedlings na ginamitan ng micro raisa ay hindi umano malalanta dahil ang mga ugat ay matatag ng naka-kapit sa lupa.

   Inaasahang maitatanim ng mahigit sa pitumpong mga Aeta at Igorot ang libu-libong seedlings na ito sa loob ng dalawang buwan, na pasuswelduhin naman ng Pamahalaan. – Ulat ni Jovelyn Astrero


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *