PHILIPPINES 4 JESUS AT ILANG MGA VOLUNTEERS MULA SA IBA’T IBANG PANIG NG MUNDO, BUMISITA SA LUNGSOD NG CABANATUAN PARA SA ISANG NATIONWIDE CRUSADE

     Kabilang sa libo libong nakiisa sa isinagawang week-long crusade ng Philippines 4 Jesus (P4J) ang magkaibigang sina Marian San Andres at Crystal Salac, upang makinig at makabatid ng salita ng Diyos.

     Dumalo ang magkaibigan sa ikalimang araw ng programang isinagawa ng P4J para sa mga kabataang katulad nila, na ginanap sa Nueva Ecija High School, Cabanatuan City nitong nakaraang linggo.

LIBU-LIBONG NOVO ECIJANO ANG NAKIISA SA ISINAGAWANG KAMPANYA NG PHILIPPINES 4 JESUS (P4J) SA LUNGSOD NG CABANATUAN KAMAKAILAN.
LIBU-LIBONG NOVO ECIJANO ANG NAKIISA SA ISINAGAWANG KAMPANYA NG PHILIPPINES 4 JESUS (P4J) SA LUNGSOD NG CABANATUAN KAMAKAILAN.

     Ayon sa magkaibigan, ito ang unang pagkakataon na dumalo sila sa ganitong uri ng pagtitipon, at sa tulong ng programa ng P4J, mas naiintindihan na umano nila ngayon ang tunay na mensahe ng Panginoon.

MASAYANG NAGTANGHAL ANG MGA INTERNATIONAL VOLUNTEERS NG P4J SA HARAP NG MGA NOVO ECIJANO UPANG MAIPARATING ANG TUNAY NA MENSAHE NG PANGINOON.
MASAYANG NAGTANGHAL ANG MGA INTERNATIONAL VOLUNTEERS NG P4J SA HARAP NG MGA NOVO ECIJANO UPANG MAIPARATING ANG TUNAY NA MENSAHE NG PANGINOON. 

     Sa panayam ng TV48 kay Jay Valino, isa sa mga program organizers, umiikot umano ang Philippines 4 Jesus sa buong bansa ,kasama ng ilang mga volunteers mula sa iba’t ibang panig ng mundo, upang magsagawa ng isang nationwide crusade o campaign na naglalayong pag-isahin ang mga Pilipino para sa pagmamahal ng panginoon..

     Bumisita ang grupo ng P4J sa lungsod noong ika-dalawampu’t tatlo hanggang ika-dalawampu’t pito ng Nobyembre, kung saan gabi-gabing nagkakaroon ng iba’t ibang programa tulad ng healing sessions, kantahan at sayawan. Bukod dito, nagkaroon din ng morning meetings sa Ever Increasing Church International sa Aduas Sur na pinangunahan ng James Horvath Ministries.

    Samantala, bukod sa mga nakiisa at dumalo sa P4J campaign, labis din ang kasiyahan ng mga international volunteers lalung lalo na ang mga performers dahil sa pamamagitan umano ng kanilang pagtatanghal ay naipakita at naipamahagi nila sa mga Pilipino ang pagmamahal at tunay na mensahe ng Panginoon. – ULAT NI JANINE REYES.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *