PHO, pinaalalahanan ang mga estudyante na iwasan ang pagkain ng Street Foods

Nagbabala ang PHO o Provincial Health Office ng Nueva Ecija sa publiko partikular na sa mga estudyante na mag-ingat sa food poisoning.

Ayon kay Benjamin Lopez, Provincial Health Officer ng Nueva Ecija, kinakailangang paalalahanan ng mga magulang ang kanilang mga anak na suriing mabuti ang mga pagkain na kanilang binibili, partikular na ang mga street foods.

Dagdag pa ni Lopez, makabubuti kung magbaon na lamang ng sariling pagkain at inumin ang mga bata upang makaiwas sa mga posibleng sakit na makukuha sa mga kontaminadong pagkaing kalye dahil lantad umano ito sa mikrobyo.

1
KARANIWAN MAKIKITA ANG MGA STREET FOODS SA LABAS NG MGA PAARALAN NA LANTAD SA INIT AT MIKROBYO.

Ang food poisoning ay nararanasan kung sakaling ang pagkaing nakain ay kontaminado ng nakalalasong kemikal o mga mikrobyong may dalang sakit.

Sa oras na makapasok sa sistema ang lasong humalo sa pagkain, tiyak na manghihina ang katawan at makakaranas ng ilang mga sintomas katulad ng pananakit ng sikmura, pagdudumi, pagsusuka, katamtamang lagnat, panghihina ng kalamnan, pagliliyo at pananakit ng ulo.

Habang wala pang Duktor o wala pa sa pagamutan ay gawin ang mga sumusunod i-monitor ang paghinga ng pasyente, ilagay siya sa mataas at komportableng posisyon, bigyan ng maraming fluids lalo na kung nagsusuka at nagdudumi upang maiwasan ang dehydration at alalayan ito kapag nagsusuka dahil maaaring siyang mabuwal.

Mahalaga na agad na madala sa pinakamalapit na pagamutan ang taong dumaranas ng pagkalason sa pagkain. Dapat tandaan na ang pagkakaligtas mula sa pagkakalason ay nakasalalay sa kung gaano kabilis ang pagbibigay ng karampatang lunas para sa nararanasang kondisyon. –Ulat ni Danira Gabriel

[youtube=http://youtu.be/gvB79zReeY0]

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *