Php 1M Subsidy sa Bayad-Patubig ng Maliliit na Magsasaka, Ipinagkaloob na ng Lokal na Pamahalaan ng Guimba

Patuloy umanong na dumaranas ng kahirapan ang mga magsasaka sa lalawigan ng Nueva Ecija dahil sa pagkakabaon sa utang sanhi ng malaking gastusin sa produksyon sa pagsasaka.

Kaya naman libreng patubig, bayad sa right of way, at isang milyong pisong subsidyo sa patubig ang ilan lamang sa mga panawagan ng mga magsasaka sa mga bayan ng Guimba, Cuyapo, at Nampicuan.

Nabigyang katuparan ang isa sa mga kahilingan ng Kilusang Subsidyo sa Patubig sa Guimba matapos ipagkaloob ng lokal na pamahalaan sa ginanap na People’s Irrigation Summit ang isang milyong pisong pondo sa bayad-patubig ng 1,082 na maliliit na magsasaka.

Naniniwala ang mga magsasaka na dahil likas na yaman ang patubig ng NIA-UPRIIS na galing sa Pantabangan dam na nagmumula sa kabundukan ay dapat itong maging libre at hindi dagdag-pabigat.

Ayon kay NIA Project Manager Engineer Alexander Coloma, nagkakahalaga ng Php 4, 500.00 kada ektarya sa loob ng isang taon ang bayad sa patubig; 2 ½ cavans ng palay sa wet season na may katumbas na Php 1,900.00 at 3 ½ cavans naman tuwing dry season o Php 2,677.00.

Mahigit isa’t kalahating taon din ang hinintay ng mga maliliit na magsasaka mula ng aprubahan ng Sangguniang Bayan ang hiniling na ayuda na manggagaling sa 20% development fund ng IRA ng Guimba. –CLARIZA DE GUZMAN

[youtube=http://youtu.be/0C–a6XHSHQ]


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *