Php 2.5-M pondo, inilaan ng pamahalaang panlalawigan sa pagsasaayos ng Farm-to-Market Road sa Sto. Domingo

Sa ikalabing apat na regular session ng Sangguniang Panlalawigan noong October 1, 2019 ay inaprubahan na sa unang pagbasa ang kahilingang appropriation fund na nagkakahalaga ng P2,540,300 na ilalaan sa ginagawang Hulo-Malay-Dolores farm-to-market road sa Bayan ng Sto. Domingo.

Ang nasabing halaga na manggagaling sa un-obligated appropriation noong 2018 ay gagamiting kargdagan na pondo para sa tulay na ksamang ipinagagawa ng naturang FMR.

Ayon kay Engr. Jovita Agliam mula sa Office of the Provincial Agriculturist, ang nasabing proyekto ay kasama sa PRDP o Philippine Rural Development Project ng Department of Agriculture.

Ginagawang farm-to-market road sa Sto. Domingo
(Photo Courtesy: PDRP Central Luzon – Facebook Page)

Paliwanag ni Agliam, may kabuuang P29,929,000 ang inilaang pondo sa naturang proyekto noong 2015 ngunit dahil sa pagsasabatas ng TRAIN Law at inbflation rate ay lumobo ito sa P55,352,000.

Aniya, kung ibabawas ang mahigit Php 29-M sa Php 55-M, kinakailangan pa ng P25,403,000 para sa pagpapatuloy ng proyekto at sampung porsyento lamang ng halagang ito ang kanilang hinihiling sa SP. –Ulat ni Jessa Dizon


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *