Php 3-Million kabuuang papremyo sa Ronda Pilipinas 2020

Umaabot umano sa tumataginting na tatlong milyong piso ang kabuuang papremyong igagawad sa mga magwawagi sa ika-sampong taong anibersaryo ng Ronda Pilipinas ngayong taon.

Sa panayam kay JD Arcilla, Race Director ng 10th edition ng Ronda Pilipinas, inihayag nito na tatanggap ng Php 1-Million tax free ang siklistang tatanghaling grand winner ng karera na may sampong stages.

Layunin aniya nito na sanayin ang pitumpo’t limang siklistang kalahok, kabilang ang anim na mga Novo Ecijano upang makasali sa mga national and international competition.

Nasungkit ni John Paul Morales ng Standard Insurance-Navy ang panalo sa stage 8 ng karera na nagsimula sa lalawigan ng Tarlac at nagtapos sa Palayan City, Nueva Ecija noong Linggo, March 1, 2020.

Pangunahing sponsor ng Ronda Pilipinas ang courier company na LBC.

Sumunod kay Morales si Dominic Perez ng Bicycology-Army at pangatlo si Rustom Lim ng 7Eleven ng Cliqq Air21 mula sa bayan ng Guimba.

Noong Lunes, March 2, 2020 sinimulan naman sa New Capitol Compound, Palayan City ang karera para sa stage 9 na tumulak hanggang Baguio City.

Naging mainit ang pagtanggap ng mga taga Nueva Ecija sa Ronda Pilipinas kaya naman nagpasalamat ang mga organizers sa imbitasyon at pagbibigay ng suporta ni Governor Aurelio Umali at ng lokal na pamahalaan ng Palayan.

Inumpisahan ang Ronda Pilipinas 2020 noong February 23, 2020 sa lalawigan ng Sorsogon at nagtapos kahapon March 4, 2020 sa Vigan City, Ilocos Sur. – ulat ni Clariza de Guzman

Watch – Php 3-Million kabuuang papremyo sa Ronda Pilipinas 2020


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *