Php17.5-B target sa Annual Investment Plan for 2017 ng Nueva Ecija

   Tinatayang aabot sa Php17.5-Billion Pesos ang halagang tinatarget ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija sa pamumuno ni Governor Czarina Umali upang maipatupad ang taunang plano o programang pangkaunlaran ng probinsiya para 2017 hanggang 2019.

Pinangunahan ni Governor Czarina Umali ang  Joint General Assembly Meeting ng PDC, PPOC, PHB, PLSB, at PDRRMC.  Katabi ni Governor Umali sina Mayor Ferdinand Abesamis ng Peñaranda at Nueva Ecija Provincial Police Director Manuel Cornel.

   Ambisyoso ngunit kayang abutin, ganyan inilarawan ni Governor Cherry Umali ang mga programang nais na isakatuparan ng provincial government sa panahon ng kanyang panunungkulan.

   Base sa pinagtibay at inaprubahang taunang pangkalahatang plano ng probinsiya, prayoridad na tugunan ang mga pangangailangan ng mga lugar na labis na nasalanta ng magkasunod na bagyong Lando at Nona noong nakaraang taon. Halos Php130-Million na pondo mula sa PDRRMC ang inilaan para sa kahandaan sa panahon ng kalamidad.

   Kabilang sa mga itinampok sa taunang badyet ang mga programa para sa sector ng agrikultura na sinimulan sa panahon ni Former Governor Aurelio Umali.

   Pinagtibay at inaprubahan ng mga opisyal at miyembro ng PDC, PPOC, PHB, PLSB, at PDRRMC ang Php17.5-B AIP for 2017 at Medium Term Development Plan na iprinisenta ni Governor Cherry Umali.

  Katulad ng patuloy na pagpapalakas sa Ani ng Masaganang Uhay, paglalaan ng Php21-Million pambili ng karagdagang makinaryang pansaka, Php3-Million na inisyal na puhunan para sa micro-finance assistance ng PCEDO, Php400-Million pagtatayo ng Polutry Dressing Plant, Php100-Million pambayad sa lupang para sa N.E Agri-Industrial Complex and Terminal sa bayan ng Talavera na inaasahang lilikha ng trabaho para sa mga manggagawa ng agrikultura.

   Malaking tipak naman ng badyet na may kabuuang Php9.5-Billion ang kinakailangan para sa mga pagawaing proyekto. Ilan sa mahabang listahan ng mga ito na hinihiling sa pamahalaang panlalawigan ang  536-Gymnasium worth Php1.4-Billion, 63-stage Php30-Million, 313- School buildings worth Php900-Million, 213- multi-purpose buildings na halagang Php200-Million. Kasama rin ang pagsasaayos ng mga kalsada nagkakahalaga ng Php2.7-Billion.

Si Governor Cherry Umali habang inihahapag ang Annual Invest Plan and Program for 2017 ng Provincial Government ng Nueva Ecija.
Si Governor Cherry Umali habang inihahapag ang Annual Invest Plan and Program for 2017 ng Provincial Government ng Nueva Ecija.

   Inaasahang matutupad na rin ang balak ni dating Governor Umali na magkaroon ng isang modern government hospital, unang hakbang umano sa pag-abot nito ang paglalaan ng pondong Php117-Million para sa pagtatayo ng tatlong palapag na gusali ng ELJ Memorial Hospital. Pagpopondo sa pagpapahusay ng serbisyo sa kalusugan ng Provincial Health Offices at 10 District Hospitals Php460-Million, rehabilitasyon ng mga pampublikong ospital, health centers at RHU, at pagbili ng mga kagamitan sa ospital.

   Pinagtuunan din ng pansin ng ina ng lalawigan ang mga pangunahing serbisyong panlipunan na dumadaan sa PSWDO, Php85-Million para sa financial/ medical and emergency assistance para sa mga indibidwal na dumaranas ng krisis. Php60 pantawid tulong sa pamamagitan ng Lingap Mula sa Puso, Php11-Million para sa pagpapalibing, Php25-Million tulong para sa pinaka mahihirap na mamamayan.- ulat ni Clariza de Guzman

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *