PINOY NURSES, IN-DEMAND SA UK, MIDDLE EAST AT US

May malaking oportunidad ngayon ang mga Pilipinong Nurse na nais magtrabaho sa ibang bansa dahil may pangangailangan ngayon ang ilang ospital sa United Kingdom; Middle East at United States kung saan ito ay isiniwalat nitong nakaraang Job Fair na inilunsad ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Governor Oyie Umali at Congresswoman Cherry Umali.

Isa si Camille Cruz, graduate sa Wesleyan University Philippines ang nagbakasakaling pumunta sa ginanap na Expo ng Rachellallen noong Biyernes.

Ayon sa kanya, magandang oportunidad para sa mga katulad niyang nurse ang ganitong pagkakataon para mas madaling makahanap ng tarabaho.

Sa pamamagitan ng Rachellallen Review Services, naibaba ang 8 kumpanya na maaaring tumulong sa mga Novo Ecijanong Nurse na nangangailangan ng trabaho.

Layunin nito na malaman ng mga nurse sa Nueva Ecija na maraming oportunidad ang naghihintay para sa kanila mapalokal at abroad.

Tulad na lamang sa Middle East, 300 job orders para sa mga nurse ang pinupunan  ngayon ng Ikon Solutions Asia para sa mga ospital sa Abu Dhabi at Dubai.

Patuloy ring nangangailangan ang United Kingdom at Qatar ng mga Pilipinong Health Care Professional base sa mga natanggap na job order ng Aureus Manpower and Consultancy Corporation, sa ilalim ng Philippine Overseas Employment Administration o POEA.

Ayon kay Joy Natividad, recruitment officer ng nasabing ahensya, kasalukuyan nang tumatanggap ang kanilang kumpanya ng mga aplikante base sa kanilang itinakdang requirements at bilang ng mga Pinoy Nurse.

Magandang balita rin ang ipinaabot ng PNI International sa mga Nurse na nais magtrabaho sa US.

Dagdag pa ni Ms. Belenario, kailangang kumuha ng National Council Licensure Examination o NCLEX Exam ang mga nurse dahil sa dami ng oportunidad na naghihintay para sa kanila kahit na nandito sa Pilipinas.

Ilan pa sa mga kumpanyang dumalo para sa mga Nurse sa Job Fair ay ang United Health Group, NEAC, Health Carousel, E-Square at Eastern Consultancy.

At para sa ilang katanungan maaari kayong magtext sa numerong 0917-556-6460.- Ulat ni Shane Tolentino

 

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *