Pista ng Tatlong Hari sa Gapan city, dinaluhan ng mga sikat na celebrity at senador

 Nakiisa ang mga kilalang artista na sina Roxanne Barcelo at Ejay Falcon sa selebrasyon ng Pista ng Tatlong Hari na ginanap sa lungsod ng Gapan, lalawigan ng Nueva Ecija , noong January 5, 2019.

Kabilang rin sa mga dumalo ay si dating senador  Bong Revilla na nagbigay ng kanyang mainit na pagbati sa mga Gapanense.

Tampok sa pagsalubong sa nasabing kapistahan ay ang parada ng mga bandang musiko na naghatid naman ng masasayang tugtugin sa mga manunuod.

Nakisaya rin sa Fiesta ng Three Kings ang ilan sa mga nagagandahang kalahok sa prestihiyosong Pageant ng Queen Sofia Philippines 2019 na  nagmula pa sa iba’t ibang lugar sa Luzon.

Ayon kay Edgar Pascual na siyang nag-organisa ng naturang kapistahan, taun taon nilang pinaghahandaan ang paggunita sa  pista ng tatlong hari upang sariwain ang pagsilang ng Panginoong Hesus Kristo at mapagbuklud-buklod ang bawat mamamayan ng Gapan.

Ang taunang Fiesta ng Three Kings ay isang pinakamalalaking pagdiriwang para sa mga Katoliko sa Gapan na idinaraos  tuwing ika-lima hanggang ika-anim na araw sa buwan ng Enero.

Pinaniniwalaan nila na ang mga Pantas ang siyang gumagabay at naglalapit sa bawat tao patungo sa Panginoong Hesus Kristo.

Isa sa  mga  tuwang-tuwa na  nanuod at nakipagdiwang sa  nasabing piyesta  ay si Marina Domingo.

Aniya, lubos ang kaniyang pasasalamat  sa patuloy na pagsuporta ng Pamahalaang Lokal  sa mga ganitong   natatanging kasiyahan.  –Ulat ni Danira Gabriel

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *