PNP Chief Oscar Albayalde, dumalaw sa Fort Magsaysay

Dumalaw si PNP Chief Oscar Albayalde sa Fort Magsaysay para sa koordinasyon sa mga kasundaluhan para sa maayos at mapayapang Barangay at Sangguniang Kabataan Election.

 Kamakailan lang ay dumalaw sa Fort Magsaysay ang bagong Police Director General PNP Chief na si Oscar Alabayalde para paigtingin ang koordinasyon ng Philippine National Police at Philippine Army  upang gawing mapayapa at ligtas ang nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2018.

Ayon kay PNP Chief Albayalde, tuwing sasapit ang eleksiyon ay katuwang ng kapulisan ang Arm Forces of the Philippines sa pagpapatupad ng kapayapaan lalong-lalo na sa mayo katorse.

Dagdag nito,  ipagpapatuloy parin nito ang Anti-Criminality sa pilipinas lalong-lalo na ang War on Drugs at ang Oplan Tokhang.

Sinabi pa ni Alabayalde na napakaimportante na ipagpatuloy ito dahil maganda ang naging epekto nito sa Peace and Order hindi lang sa Region at Metro Manila maging sa buong bansa dahil bumaba ang krimen sa bansa.

Nagpapasalamat naman si Albayalde sa Pangulo ng Pilipinas dahil kinilala nito ang kanyang effort at binase ng pangulo sa kanyang performance ang pagkakapili sa kanya.

Samantala, lahat ng Recruits at Graduate ng Philippine National Police Academy ay dadaan lahat sa SAF Training School ng anim na buwan para mas mapahusay at maihanda ang mga ito sa pagtatanggol sa mamamayan. -Ulat ni Phia Sagat

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *