PRESYO NG LUYA, UMABOT NA MULA P200 HANGGANG P240/KILO; ILANG MAMIMILI, UMANGAL

Tumaas na mula P200 hanggang P240 ang kada kilo ng luya sa mga pamilihan na mas mahal pa ngayon sa presyo ng manok at baboy.

Kaya naman nagrereklamo na ang ilang mamimili sa malaking pagtaas ng presyo nito na khit umano patingi-tingi ay pahirapan pa ngayon.

At dahil sa pag-aray ng mga mamimili, ang iba ay tanglad na lamang imbes na luya ang ginagamit na siya umanong mabisa rin pantanggal ng lansa ng pagkain.

Paliwanag ng ilang tindera, mas nagmahal ang kanilang tindang luya dahil karamihan sa mga ito ay inaangkat pa.

Depensa pa nila, na karaniwan na tuwing ganitong panahon tumataas ang presyo ng luya at naglalaro na sa P180 hanggang P200 ang puhunan  dagdag pa ang trucking o pagbibiyahe nito.

Kung ikukumpara sa presyo ng manok ang luya, halos mataas ito ng P100.00.

Samantala, hindi pa nagpapaliwanag ang (DA) Department of Agriculture kaugnay sa pagtaas ng presyo ng luya.-Ulat ni Mary Joy Perez


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *