Presyo ng produktong petrolyo sa Gapan City, Nueva Ecija

Good news para sa ating mga motorista dahil noong nakaraang Martes Sept, 2020 ay nagpatupad ng bawas presyo sa petrolyo ang Big 3 na Shell, Caltex at Petron.

Sa Diesel bumaba ng 0.45 centavos bawat litro habang 0.30 naman sa gasolina kada litro.

Bagaman bahagyang bumaba ang presyo ng gasoline,a malungkot parin ang ating mga kaibigang tricycle drivers sa Gapan City dahil halos wala pa rin silang kita sa maghapong pamamasada ng tricycle.

Ang iba ay halos alas singko palang ng umaga ay nakapila na para kahit papaano kapag wala pang byaheng jeep papuntang bayan ay makakuha man lang ng pasahero.

Kung dati kumikita sila ng 500 pesos isang araw ngayon ay halos 150 nalang, at kung dati nasa 50 miembro ang nakapila ngayon ay halos 12 to 15 na tricycle nalang.

Ang nakakalungkot lang, karamihan sa mga miembro ng SRB TODA ay nabatak na ang kanilang mga pinamamasadang tricycle dahil nga wala ng pasaherong maisakay kaya wala nang kakayahang magbayad o maghulog ng kanilang motor.- ulat ni Smile Supetran III


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *