Prime suspect sa pagpatay kay Fr. Richmond Nilo, arestado na ng pulisya!

Hawak na ng pulisya ang pangunahing suspek sa pagpatay kay Fr. Richmond Nilo na pinagbabaril noong linggo, June 10, 2018 sa Brgy. Mayamot, Zaragoza, Nueva Ecija.

Ang susupek ay kinumpirma ni Regional Director PCSUPT Amador Corpus sa presscon na ginanap sa NEPPO kaninang 2:00 ng hapon, June 15, 2018, na kinilalang si Adell Roll Milan na naaresto ng mga pulis sa Barangay Malapit, San Isidro, Nueva Ecija bandang alas-6:30 kagabi, June 14, 2018.

Ang suspek ay positibong kinilala ng sakristan na kasama ni Fr. Nilo noong siya ay pinagbabaril habang naghahanda sa misa.

Bukod sa naarestong suspek ay naglabas na rin ng cartographic sketches at computerized illustration ang pulisya ng dalawa pa sa anim na hinihinalang suspek. Abangan ang buong detalye sa Balitang Unang Sigaw!


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *